Dani Barretto maintains closeness to cousin Dominique Cojuangco; steers clear of Barretto issues

IMAGE Dani Barretto Instagram

Dani Barretto on possible reconciliation of the Barretto siblings, her aunts Gretchen and Claudine, including her mom Marjorie: "Sila ang makakasagot niyan. We don't really ask those questions anymore, if it happens, it happens. It's still a sensitive topic."


Nananatiling close ang magpinsang sina Dani Barretto at Dominique Cojuangco sa kabila ng hidwaan sa kanilang pamilya.

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa ex-boyfriend niyang aktor na si Kier Legaspi. 

Si Dominique naman ay anak ni Gretchen Barretto sa businessman na si Tonyboy Cojuangco.

Hindi pa rin nag-uusap ang magkakapatid na Marjorie at Gretchen Barretto, pati na si Gretchen at ang bunso nilang si Claudine Barretto, dahil sa gulo at away nila ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa lifestyle blogger na si Dani, walang effect ito sa kanila ni Dominique.

“Never naman kaming nag-lose ng contact.

"Until now, we see each other from time to time pag swak yung schedule.

“We still talk. Parang ever since naman, it’s not really…

“Iba naman yung relationship nila and with our family, as individuals.

“At kami, it’s our personal choice, gusto namin.

"I grew up with them, e, so we’re very close."

Dagdag niya, “Ngayon na matanda na kami, mas may freedom kami na magkita, may access kami to actually see each other. 

“Nagwa-wine kami minsan, dinner, text, Facetime pag nasa London siya.

“Nagpu-post naman kami pag nagkikita kami.

"There are some things kasi na parang hindi mo na kailangang i-post, di ba?"

Ayon pa kay Dani, alam ng kani-kanilang mga inang sina Marjorie at Gretchen ang pagkikita nila ni Dominique.
 
“Oo naman! Hindi naman kami tumatakas,” nangingiting sabi ng dalaga.

Ang hindi lang daw madalas makita ni Dominique ay ang mga nakababatang kapatid ni Dani na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak ni Marjorie sa dati nitong asawa na si Dennis Padilla.

Paliwanag ni Dani, “Kung ako nga hindi ko madalas makita si Julia, sobrang busy niya.

“'Tapos ako, may iba ring ginagawa sa life ko, ano pa kaya sila? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nagkikita sila sa mga events, they bump into each other sometimes sa mga derma. 

“But iba naman yung relationship nila kay Dom kasi magkakalayo ng age nila, e.

“Kami ni Dom yung malapit, kami yung pinalaki na close talaga.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dani nang dumalo siya sa premiere ng Meet Me in St. Gallen sa Trinoma Cinema last week.

NO ISSUE WITH GRETCHEN. Nagkikita ba naman sila ng Tita Gretchen niya?

Mabilis na tugon ni Dani, “Hindi pa… matagal na.”

Pero diin niya, “Wala namana kong issue sa kanya. 

“I still see her on Instagram, I still watch her story in Instagram.

“Hindi, hindi naman ako magku-comment. 

“It doesn’t mean anything kung hindi ka nagla-like or nagku-comment."

Sabi pa ni Dani, “Kung makita ko naman siya, I’ll greet her. Wala naman kaming problema ng tita ko.

“Walang reason para mailang ako sa kanya, wala naman kaming ill feeling, we never fought.

“Walang reason para hindi siya batiin. At the end of the day, tita ko pa rin yun.”

Naisip ba ni Dani na puntahan ang Tita Gretchen niya?

Tugon niya, “Honestly... I don’t know how it works, but I’d rather just stay neutral.

“Parang siguro okey lang na ganito, pag nagkasalubong.

“Ayaw ko lang na meron akong masasaktan, ayoko, lalo na nanay ko yun. 

“Ayaw kong masaktan ang mommy ko, ayaw ko rin namang masaktan ang loob ng tita ko. 

“It’s just nice to stay quiet.”

NO RECONCILIATION? Ibig sabihin, malabo talagang magkaroon ng reconciliation ang kanyang ina at ang Tita Gretchen niya?

“Honestly, sila ang makakasagot niyan,” pakli ni Dani.

Paliwanag niya, “We don’t really talk about it, e.

"I think we have our own lives, we have our problems.

“Kami nina Julia, Claudia, Dom, may sari-sarili na kaming pinagkakaabalahan sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We don’t really ask those questions anymore. If it happens, it happens. 

“It’s still a sensitive topic, it’s not something you just outright ask.

“It’s only them na makakasagot kasi sa napi-feel nila yun, e, so hindi ko alam.”

Hindi rin daw nila napag-uusapan ni Dominique kung paano magkakabati ang mga ina nila.

Ayon kay Dani, “It’s nice to have that thought in your head.

“Kasi yung time namin ni Dom, limited lang… it’s best to catch up about each other’s life than to talk about our mothers'.

“Hindi naman namin isyu yun, e, there was never time na we sit down and talk about it.

“Kung magsama kami, it’s really about an update about my life and her life."

May communication ba si Dominique sa lola nilang si Inday Barretto?

Saad ni Dani, “No, Dom naman really never had relationship with our lola, with my Mama Day, at all.

“Ever since naman, magulo na talaga before pa. Never naman nagkaroon ng time na naayos. 

“But Dom knows kung sino lola niya, my lola naman acknowledges Dom. 

“Iba kasi when you had a relationship.

"You can’t fault her for that or my lola for that, magkaiba yun."

MUM ON CLAUDINE. Tumanggi na si Dani na mag-comment tungkol sa status ng relasyon ni Dominique at ng tita nilang si Claudine.

“Ay, 'yan, hindi ko na alam, between the both of them na lang. 

“We don’t talk about it, my tita and I don’t talk about it, Dom and I don’t. 

“That’s their own thing, that’s their own relationship.

“Ako, I’m okay with all my aunts naman.”

Hindi siya nahihirapang may ganitong conflict sa pagitan ng Tita Gretchen niya at sa mga kapatid nito at ina?

Saad ni Dani, “Like I said, if you dwell on it, oo, mahihirapan ka. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we have our personal lives, you move on. 

“If you’ll get stuck on one issue, you’ll never move forward, e.

“Yes, hindi kami kumpleto, but we can’t dwell on that.

“We have to move forward with our own lives, hoping that someday, maayos.

“But for now, okay na siguro na ganito na lang.”

MAMA GRETCHEN. Nananatili pa rin raw sa puso ni Dani si Gretchen. 

Katunayan, "Mama" pa rin ang tawag niya rito.

Katuwiran ni Dani, “Hindi naman porke na hindi sila okey, hindi ko na sya tita.

“Respect din, tita ko yun, e, meron kaming relationship. 

“I was very close to her, I cannot say anything bad about her.

“Yung issue nila ng mommy ko, hindi namin issue.”

Hindi na raw pinagtatakhan ni Dani ang well-toned physique ng kanyang Tita Gretchen.

“She’s always been athletic naman.

“Gustung-gusto niya lagi na healthy siya, lagi siyang nagwu-workout, she watches her weight.

“Maganda naman talaga ang katawan nun, she takes care of her body.

“She’s very maano with her health, hindi lang nao-obvious before dahil wala namang Instagram dati.

“But ngayon, nakikita nila ngayon dahil may social media na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN