Mike Tan on the late Maryo J. de los Reyes: "Hindi ako nakakita ng favoritism sa kanya."

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Kapuso actor Mike Tan on the late veteran director Maryo J. de los Reyes: "Kahit gaano ka kaliit na artista, hindi ka niya pababayaan sa set."


Hindi maiwasang balikan ni Mike Tan ang masayang alaala kasama ang yumaong batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Huli silang nagkatrabaho sa taping ng pilot week ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang GMA-7 afternoon drama series na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike, at Martin del Rosario.

Paglalarawan ng 31-year-old actor kay Maryo J., “Napakabait na tao, napakaalaga sa mga aktor niya.

“Kahit gaano ka kaliit na artista, hindi ka niya pababayaan sa set.

“Hindi rin ako nakakita ng favoritism sa kanya.

"Kung papaano niya ituring ang bawat artista hanggang sa staff at crew, pantay-pantay."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong February 12.

Kuwento pa ni Mike, nagkita sila ni Direk Maryo J. sa kasal nina Max Collins at Pancho Magno sa Manila Mariott Hotel noong December 10, 2017.

Dito raw nasabi sa kanya ng direktor kung bakit hindi na ito tumutok sa pagdidirehe ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka o maging ng Kapuso primetime series na The One That Got Away (TOTGA).

“Nagkausap kami. Tinatanong ko siya kung bakit siya umalis sa TOTGA. Kasi umalis din siya sa amin, so akala ko dun na siya sa TOTGA.

“'Tapos nalaman ko, nag-leave siya. So, may mga personal siyang inaasikaso, sabi niya, sa Bohol daw.

"Yun na yung last memory ko sa kanya.

"Sinabi ko sa kanya, ipagpi-pray ko siya kung anong pinagdadaanan niya sa buhay.

"Sinabi niya ipagpi-pray din daw niya ako."

Anong aral mula kay Direk Maryo J. ang hindi niya makakalimutan?

Balik-tanaw ng StarStruck Season 2 Ultimate Male Survivor, “Sa tagal naming nagkatrabaho ni Direk Maryo, hindi na niya kailangan magbigay ng specific na advice.

“Ang lagi ko naalala sa kanya, ‘Alam mo, baguhin natin buhok mo, pakulayan natin.’ Yun yung lagi niyang sinasabi sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Mike, “Kung advice man, tingin ko, yun yung nabigay niya sa akin during workshop, pag magkasama kami sa trabaho.

"Yung kung papaano ka umarte bilang tao, just keep it natural."

Pumanaw si Direk Maryo J. noong January 27, 2018 sa edad na 65.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN