Robi Domingo explains story behind Liza Soberano-Daniel Padilla video

IMAGE Noel Ferrer

Robi Domingo says he wasn't bothered by the bashing and hateful comments he received after uploading an ASAP backstage video featuring Daniel Padilla and Liza Soberano on his IG Stories. "Hind ako naapektuhan, di ako nasaktan that much, kasi alam ko di ako guilty. I know what the real score [is] between everyone, lalo na yung mga relationships-wise."


Nakatanggap ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo ng pamba-bash at below-the-belt comments mula sa fans ng KathNiel at LizQuen love teams.

Ito ay dahil sa videos na in-upload ni Robi sa kanyang Instagram Stories na kinatatampukan nina Liza Soberano at Daniel Padilla.

Kuha ang video mula sa backstage ng ASAP noong February 11.

Sa naturang video, naka-focus ang camera kay Liza at tinanong siya ni Robi, "May sinasabi ka?"

Sagot ni Liza habang nakangiti, "I hate you."

Pagkatapos ay tinutok naman ang camera kay Daniel, na nakaupo sa bandang gilid nila.

Ngumiti si Daniel sa camera at muling ibinalik ang focus kay Liza.

Inulit ni Robi ang tanong at sumagot si Liza na tila clueless, "What?"

Binura rin ni Robi ang videos sa kanyang IG Stories, ngunit may nakapag-record nito at in-upload sa YouTube.

Maraming fans ng love teams nina Daniel at Kathryn Bernardo at Liza at Enrique Gil ang nadismaya sa ginawa ni Robi at nagpaulan ng masasakit na salita laban sa kanya.


Stories We Are Tracking

Robi earns ire of KathNiel fans over Daniel-Liza video
Robi earns ire of KathNiel fans over Daniel-Liza video

NOTHING TO APOLOGIZE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Robi noong Linggo, February 18, sa ASAP, kinuha namin ang panig niya ukol dito.

Paliwanag ng 28-year-old TV host, "Ang daming nagsabi sa akin, even yung Star Magic to do something about it.

"Ako kasi, why should I feel guilty?

"Kasi kilala ko naman ang lahat, magkakaibigan kami dito... sila Liza, Enrique, Kathryn, and Daniel. 

"Hindi nila [fans] alam kung ano ang real score.

"I don’t have to apologize for something kasi wala namang malicious intent yun."

Kuwento pa ni Robi, “What I did... well, ganito ang real score, Liza was given a spiel na ang sasabihin niya dapat, 'Last three weeks na lang [ng] La Luna Sangre.' 

"E, Liza, being a good artist and a real friend, sabi niya, 'Ayokong sabihin yun. Okay lang ba, Kuya Robi, ikaw na magsabi?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, okay, sige, na last three weeks na ng La Luna Sangre.

"Para hindi siya ma-bash ng mga KathNiels 'cause may issue pala.

"I didn’t know na may ganung conflict. Sabi ko, 'Ako na bahala.'

"Nandun kami sa backstage, si Daniel nandun, so sinabi ko lang, 'O, Liza, may gusto kang sabihin kay Daniel na last three of La Luna, kasi papasok ang Bagani.'"

Ang La Luna Sangre ay ang primetime series na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn.

Ang papalit sa timeslot nito ay ang Bagani, na pagbibidahan nina Liza at Enrique.

Ayon kay Robi, tinawagan niya sina Liza at Kathryn at humingi ng dispensa kung na-offend ang mga ito sa kanyang ginawa.

"Ewan ko, marami ang naka-misinterpret na mga fans.

"But ako, I don’t have to apologize to them.

"I called up Kathryn and Liza agad-agad.

"Kung dala ko lang ang telepono ko, you can see the log, e.

"They said, 'Don’t worry about it, alam namin kung ano ang nangyayari.'

"Alam ko kung ano ang mga nagawa ko, and I said, 'I’m sorry kung nasaktan ko kayong dalawa.'

"Sabi nila, 'Hindi, wala kang ginawang mali.'"

Diin pa ni Robi, "Sa lahat ng mga KathNiels and LizQuen, it’s okay, it’s all good, kasi alam ko ang totoo."

Hindi naman daw naapektuhan si Robi sa pamba-bash na naranasan niya, lalo't alam niya ang totoong estado ng love teams.

"Hindi ako naapektuhan, hindi ako nasaktan that much, kasi alam ko di ako guilty.

"I know what the real score between everyone, lalo na yung mga relationships-wise.

"It’s all good, don’t be discouraged.

"Yung iba siguro naapektuhan because of the insecurity.

"[You] don’t have be insecure about everything, kasi mismo yung mga iniidolo natin, KathNiel and LizQuen, soild 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"On and off cam, solid sila, solid silang dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN