Sharon Cuneta calls basher of her new TV commercial "ugok"

IMAGE Courtesy: Sharon Cuneta on Facebook

Hindi pinalampas ng Megastar na si Sharon Cuneta ang basher na ayon sa kanya ay "mema" o may masabi lang sa ibang tao. Ayon pa sa kanya, tila may tama ito sa utak at tinawag itong "ugok."


Ikinagalit ng Megastar na si Sharon Cuneta ang isang basher sa Instagram na nag-"mema" (may masabi lang) sa kanyang post kahapon, February 19.

Nag-post si Sharon ng limang larawan ng pila para sa mga gustong um-order ng pagkain sa food chain na iniendorso nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion.

Caption ni Sharon sa kanyang FB post: “Y para ti, entonces, ¿a qué línea vamos? (At para sa yo, anong linya pupuntahan natin?) Swipe left.”

Feel-good ang halos lahat ng komento ng followers niya, na nagbahagi ng kani-kanilang mga hugot kung saan sila pipila kapag nagawi sa nasabing establishment.

Ngunit may isang basher na nagkomento nang hindi maganda, at ayon sa mga nakabasa ay "bastos" ang komento nito.

Binura agad ang nasabing komento kaya hindi na ito makikita sa post ni Sharon.

Pero sinagot pa rin ito ni Sharon.

Mensahe ng actress-singer, “Dapat pagawa tayo pila ng mga may tama sa utak.

“Para sa mga mema na nakakasingit dito.

“Kala makaka-bad trip siya ng milyong-milyong masaya dahil sa TVC!

“Hahaha. Ugok.”


Pinayuhan naman ng ilang followers ang Megastar na huwag na lamang itong pansinin.





Pahabol pa ni Sharon, “GUARD! MAY NAKATAKAS! Hulihin dali!!! HU let DA DOGS awt!”

Pinayuhan din si Sharon ng ilan niyang followers na i-block na lang ang bashers na papansin.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN