Robi Domingo reacts to Twitter exchange between ex-GF Gretchen Ho and Atom Araullo

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on ex-girlfriend Gretchen Ho's Twitter exchange with Atom Araullo: "She deserves to be happy, everyone deserves to be happy. If she's happy with that tweet, let it be, kasi Valentine's Day."


Marami ang kinilig sa pagpapalitan ng sweet tweets nina Gretchen Ho at Atom Araullo noong nakaraang Valentine’s Day.


Stories We Are Tracking

Gretchen Ho and Atom Araullo exchange sweet tweets
Gretchen Ho and Atom Araullo exchange sweet tweets

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Robi tungkol sa tila pagkakamabutihan ng ex-girlfriend at ng Kapuso news TV reporter.

Ayon kay Robi, “Okay, she deserves to be happy, everyone deserves to be happy.

“If she’s happy with that tweet, let it be, kasi Valentine’s Day.”

Kumusta naman ang estado ng puso niya ngayon?

Sagot ng Kapamilya TV host, "Trabaho, ayoko kasing magbigay ng oras sa ibang tao, kasi magiging unfair.

"Lalung-lalo na yung Lakwatsero is taking all of my time."

TRAVEL SHOW. Ang Lakwatsero ay ang online travel show na hinu-host ni Robi.

Nagbahagi si Robi ng mga aabangan sa kanyang travel show.

“Sa Lakwatsero Season 1 kasi, it’s been canned, e.

“Ang partner namin diyan, sponsors and all.

"Pero Season 2, binigyan na ako ng liberty to choose from destinations.

“Tubbataha [Reef], kasi yun ang pinakasentro na sa diving, focus on my diving.

“And then, pagkain naman, natikman ko na yung the best sa Negros.

"[So] punta tayo sa Pampanga.

“We also have plans to go out out of the country. 

“Kukunin namin yung magkakatabi—Vietnam, Laos, Cambodia... Asian countries.”

ADVICE FOR IÑIGO. Samantala, isa sa bagong nadagdag sa hanay ng MYX music channel VJs ay si Iñigo Pascual.

Masaya at proud si Robi sa naging pahayag ni Iñigo na siya ang iniidolo nito pagdating sa paghu-host sa MYX at hinihingan ng advice pagdating sa hosting.

Ayon kay Robi, “Sobrang nakakatuwa 'cause I remembered my first time, my first day, ang sinasabi ko, idol ko si Kuya Luis [Manzano].

"'Tapos ngayon pine-peg niya ako. [What Iñigo does] is really far from what I do, that’s a good thing.

"He can sing, he can do lots of things, he composes songs, and I’m really happy that MYX got him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, parang ang tagal na. Umpisa pa lang dapat kinuha na siya ng MYX, kasi he is really what they are looking for.”

Ano naman ang maipapayo niya sa baguhang VJ?

"Advice? Yes, I think he has the potential naman to do lots of things.

"Ang maganda kay Iñigo, very open sa lahat ng bagay, and kung ano ang sabihin ko sa kanya, he takes out of everything.

"But, you know, malayo ang mararating ni Iñigo, mas malayo pa kaysa sa akin,” sabi ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN