Marco Gumabao overwhelmed by positive response to his LGBTQ-friendly ad

IMAGE Courtesy of Bench

Marco Gumabao on positive response to his new TV commercial: "It shows good support for our LGBTQ community. It also encourages people to be confident in yourself by expressing who you really are."


Overwhelmed si Marco Gumabao sa mainit na pagtanggap ng publiko sa tinatampukan niyang commercial para sa isang perfume brand na mabilis nag-viral nang ilabas kahapon, February 19.

"Someone is bound to smell it" ang pamagat ng Bench commercial na tungkol sa isang closeted gay na may crush kay Marco, pero nag-akalang hindi alam ng ama niya ang kanyang tunay na pagkatao.

"Nak, amoy kita. I love you" ang mga salitang nakasulat sa note, kasama ang perfume na natanggap  mula sa tatay niya ang nagpasaya sa gay son.

Ang heartwarming story ng commercial ang pumukaw sa atensiyon ng mga tao.

Bukod kay Marco, mga bida sa viral ad si Limer Veloso, ang gumanap na gay son, at si Rico Delgado, ang supportive father.

Si Chris Martinez ang direktor at si Denise Oyog ang sumulat ng kuwento ng two minutes and 15-second commercial.

Si James Mendoza naman ang nakaisip ng “amoy kita” tagline.

Pahayag ni Marco tungkol sa kanilang commercial, "I’m really happy na maraming natuwa at nagustuhan ang bagong ad ng Bench.

"It shows good support for our LGBTQ community.

"It also encourages people to be confident in yourself by expressing who you really are."

BINIBINING PILIPINAS. Incidentally, bukas ang press presentation ng 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2018 sa Novotel.

Kabilang sa mga contestant ang kapatid ni Marco na si Michele Gumabao.

Kung walang taping si Marco bukas para sa Hanggang Saan ng ABS CBN, balak niyang pumunta sa press presentation para suportahan si Michele.

Pahayag niya, "I’m really happy for my sister.

"I’ll admit na I never thought she would join Binibining Pilipinas since I grew up watching her play volleyball.

"But it goes to show na she can really do anything as long as she puts her mind into it.

"I'm here to support her all the way, and I’m just really happy with all the positive feedback she has been getting from her fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wish her all the best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN