Kim Jones on persistent baby questions: "Let us be."

IMAGE Instagram

Find out why Kim Jones, Jericho Rosales's wife, says she is affected on women being pressured by others about getting pregnant and having a baby. The couple also talk about their relationship and their respective careers in Preview Magazine's February 2018 issue. 


Sa cover story ng February 2018 issue ng Preview Magazine, tinalakay ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ang kinaharap nilang isyu noong December 2017.

Ito ay tungkol sa pagpuna ng isang netizen kay Kim dahil sa pagbibigay umano niya ng prayoridad sa career kesa sa pagkakaroon ng baby.

Ipinagtanggol ni Jericho, 38, ang asawa mula sa netizen.

Aniya, hindi ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ang basehan ng pagiging tunay na babae.

Pinasalamatan naman ni Kim, 30, ang asawa sa pagtatanggol sa kanya.


Stories We Are Tracking

Kim thanks Jericho for defending her against basher
Kim thanks Jericho for defending her against basher

Sa kanilang interview kay Chica Villarta para sa Preview, hiningan ng opinyon ang mag-asawa tungkol sa isyung ito.

Ani Kim, masaya siya dahil nauunawaan ni Jericho kung career ang nais niyang pagtuunan ng pansin. 

“I think it’s amazing that he listens to what I want, need and what I envision for my life beyond the family,” pahayag ng host/model/blogger.

Tungkol naman sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak, aminado si Kim na apektado siya sa isyung ito.

Halimbawa, aniya, nagiging hadlang ang pagbubuntis para sa ibang married women para makakuha ng trabaho.

Inamin din niyang isyu sa kanya ito dahil may mga kaibigan siyang naha-harass dahil hindi pa nagkakaanak.

Pahayag ni Kim, “Maybe I have a problem with it as well because I have friends who cannot have children, and it breaks my heart to know that people are being badgered by strangers out of courtesy or exchanging niceties because they don’t know what to say, like, ‘When are you going to have a baby?’

“And it breaks my heart that they have to face that because that’s a jarring problem to have.

“But at the same time, I know people who just don’t want to have children.”

Pakli niya, “We’re not saying either-or. We’re saying, ‘Let us be.’

“Let us figure it out on our own, and let us make the decision when the time is right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s just a matter of individuals making personal choices.” 

Ayon pa kay Kim, nirerespeto nila ni Echo ang mga babaeng nais maging ina at maging housewives.

Sabi naman ni Echo, "You need commitment when it comes to being a parent and right now, for Kim and I, we just respect our current priorities."

Paglilinaw ng aktor, hindi ito nangangahulugang isinasantabi nila ang kanilang relasyon.

“We love each other like crazy, and we miss each other [when we are apart].”

Tinalakay rin sa February 2018 issue ng Preview ang tungkol sa pagbabalanse nina Jericho at Kim ng kanilang relasyon at trabaho.

Nakuwento ni Jericho ang paghahanap niya ng kabuluhan bilang aktor, at nagsalita rin si Kim tungkol sa pagkakaroon ng mas sikat na asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN