Maine Mendoza's manager calls rumors linking phenomenal star to actors "fake news"

IMAGE Noel Orsal

Talent manager Rams David on handling two of the biggest female stars in the country, Marian Rivera and Maine Mendoza: "Number one is we always count our blessings, iyon yung importante. At saka not a single millimeter na iangat ng paa mo sa lupa, dapat ganun, iyon ang itinuturo ko sa lahat ng mga artista ko."


Sa pagkakaalam ng talent manager na si Rams David, walang boyfriend ngayon ang phenomenal star na si Maine Mendoza.

Ayon kay Rams, ‘Si Maine is ano… what I can say is nag-e-enjoy siya ngayon being with friends.

“As to some suitors, medyo hindi ko alam, pero siguro may mga nagpapa…

“I’m sure, siyempre she’s pretty, she’s eligible, she’s single so…”

Wala raw katotohanan ang mga balitang nag-uugnay kay Maine sa ilang aktor.

Sabi ni Rams sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Not true.

"Those are mga haka-haka lang nila, well, I should say fake news."

Diin pa niya, “Wala siyang boyfriend. Marami, mga suitors.”

Sino si Alden Richards sa buhay ni Maine sa pagkakaalam ni Rams?

“They’re very good friends, yeah, they’re very good friends.

“Happy ako sa kanilang dalawa, both their careers,” sagot ng talent manager.

TWO SUPERSTARS. Si Rams din ang manager ng Kapuso prime time queen na si Marian Rivera.

Ano ang pagkakaiba ng pagma-manage kina Marian at Maine?

Saad niya, “Masarap sila pareho katrabaho, kasi pareho silang masipag at pareho silang mabait, and ano sila, e, positive palagi.

“Si Marian lang minsan, madalas niyong makita sa social media ko na napu-post ko, kasi madalas ko siyang makasama bilang nasa SPS [Sunday PinaSaya].

“Si Maine naman, most of the time, napupuntahan ko siya sa mga shoots niya.

“And wala namang pinagkaiba. It’s just that si Marian, ang tagal na sa business.

“At saka matagal na rin kaming magkaibigan ni Marian, years na.

“Maski nung nasa GMA pa lang ako, nung PM [production manager] ako, naging PM niya ako sa Endless Love [2010].

“So, dun pa lang, magkakilala na kami.

“And then, I became her manager in 2013, sa amin nila Mr. [Antonio] Tuviera sa Triple A, so hindi na mahirap yung pagiging magkaibigan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More than manager/talent, we’re friends.”

Patuloy ni Rams, “Si Maine, ang relationship namin is very professional, pero personal, yes!

“Ngayon, I’m very happy that we text every time na merong problema, meron siyang itatanong.

“Dati kasi mahiyain yung bata, e. Hindi siya sanay sa showbiz.

“So ngayon, naglalabas na rin siya ng mga sama ng loob, mga hinaing.”

HANDLING BASHERS. Paanong maging manager ng dalawa sa pinakasikat at pinaka-in demand na artista ng GMA?

Ayon kay Rams, “Number one is we always count our blessings, iyon yung importante.

“At saka not a single millimeter na iangat ng paa mo sa lupa, dapat ganun, iyon ang itinuturo ko sa lahat ng mga artista ko.

“Pag meron kang nakukuhang achievement, meron kang natatanggap na positive o maganda, lagi mong isipin na iyan ay bigay ng Diyos, ipagpasalamat mo at huwag ikalalaki ng ulo mo.

“Bagkus, ipagpasalamat mo at i-share mo, share your blessings.”

Ano naman ang masasabi ni Rams tungkol sa bashers nina Marian at Maine?

“Hindi naman mawawala ang bashers, e.

“If there’s white, there’s black, yin-yang ‘yan, e. Minsan din it balances, e.

“Pangit naman kung laging papuri.

“E, di okay na rin yung mga yun, kasi for us, for me, yung mga bashers, sila yung reflection ng kung ano yung mali, kung ano yung hindi dapat gawin.

“Minsan kasi, sinasabi pa lang nila yung negative, ‘O, alam mo na, iyan na ‘yang lalabas na negative, huwag nating gagawin ‘yan.’

“Minsan, for me, it’s a warning pa nga, e, na huwag gawin, huwag mangyari, kasi hindi naman talaga totoo.

“So, thank you rin sa bashers, kasi iyon yung reminder sa amin na hindi kami yun at hindi namin gagawin yun.

“At learnings iyon sa amin na never mangyayari kung anuman yung speculations na negative na ibinabato nila sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUSINESS VENTURE. Bukod sa pagma-manage ng artista, isa ring negosyante si Rams bilang may-ari ng Heroes Barber Shop at Nailandia Nail Spa branch sa Quezon City.

Binuksan ito nitong Sabado, February 17, kung saan business partner ni Rams ang direktor at matagal na niyang kaibigang si Don Cuaresma.


Kuwento ng talent manager, “During college, we have one common group na pinagsamahan, which is Teatro Tomasino, kung saan nabibilang ang maraming tao or people from the industry na doon nanggaling.

“Yung iba galing sa TV, sa movies.

“So, college days pa lang magkaibigan na kami ni Don, and naisip namin ito last year.”

Bakit hindi si Marian ang kasosyo niya?

“Siyempre si Marian would like her own branch soon, ‘no?

“Tapos, she’s not from Quezon City, I’m sure she would prefer somewhere in Cavite or sa Makati para mas matutukan niya.

“E, ako, from Quezon City.”

Ang endorsers ng Heroes Barber shop ay ang That’s My Baes na kinabibilangan nina Miggy Tolentino, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Peñaflor, Joel Palencia, at Kenneth Medrano.

Si Marian naman ang endorser ng Nailandia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN