John Lloyd Cruz-Ellen Adarna rumored wedding: Did it really happen?

IMAGE Instagram

Nakuhaan ng litrato ngayong Martes, February 20, sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa airport. Halatang gustong itago ni Ellen ang kanyang ipinagbubuntis sa pamamagitan ng pagsuot ng oversized T-shirt. 


Hanggang ngayon ay puro espekulasyon lamang ang lumalabas sa diumano’y nangyaring kasalan sa pagitan ng isang controversial couple noong bisperas ng Chinese New Year, February 15, Biyernes.

Ang tinutukoy ng karamihan na nagpakasal diumano ay sina John Lloyd Cruz, 34, at Ellen Adarna, 29.

May nagsasabi ring madalian diumano ang nangyaring kasalan sa isang simbahan sa Quezon City, na idinaos daw ng alas-8 ng umaga.

Ngunit ayon sa ilang Katolikong may alam sa mga idinadaos na church weddings, maraming proseso ang dadaanan bago maikasal sa simbahan.

Kabilang na rito ang pre-marriage seminar, marriage license application, canonical interview, marriage/wedding permit application, marriage banns, new birth certificate, certificate of no marriage (Cenomar), at kung anu-ano pang prerequisites.

At kung sa simbahan nga ito ginanap, bakit wala ni isang litratong lumabas sa social media gayong napaka-powerful na ng internet sa panahon ngayon?

Sa madaling-salita, hindi uubra ang madaliang kasalan sa simbahan, na isa ring public place.

May nagsabi ring civil wedding daw ito na ginanap somewhere in Quezon City, at ang alkalde mismo ng lungsod ang nagkasal sa dalawa.

NOT TRUE. Kahapon, February 19, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang katanungan para kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, kung siya nga ba ang nagkasal kina John Lloyd at Ellen.

Idinaan namin ang aming katanungan sa malapit niyang kaibigan at veteran entertainment columnist na si Jun Nardo.

Tugon ni Mayor Herbert sa text niya kay Jun: “Hindi po.

"Pero kung gusto nina Lloydie [palayaw ni John Lloyd] and Ellen na ako ang magkakasal sa kanila, okay sa akin. Hehehe!

“Importante, within QC, kasi sa loob lamang ng city ako puwede magkasal.”

NEW INSTAGRAM ACCOUNT. Kasunod ng pag-deactivate ni Ellen ng kanyang Instagram account na @maria.elena-adarna, nawalan ng access ang netizens sa mga bagong kaganapan sa buhay nilang dalawa ni John Lloyd.

Ngunit gumawa naman siya ng bagong personal at private Instagram account, kung saan ilang malalapit na kaibigan lamang ang pinayagan niyang i-follow ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang bagong account ng sexy star sa Instagram ay @emg.a, na abbreviation ng kanyang buong pangalan na Ellen Meriam Go-Adarna.


Samantala, pinag-usapan ng netizens ang tungkol sa palitan ng mensahe ni Ellen at isa niyang kaibigan sa Facebook noong February 17, dalawang araw matapos kumalat ang balitang diumano'y kasal na ang sexy star sa ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Nasa wikang Bisaya ang palitan nila ng mensahe, bilang tubong-Cebu si Ellen.

Sabi ni Ellen sa kaibigan niya, “Pero mas goz ang mga reporter na mu message nimo para mangutana ug naunsa nami. Nalipong najud ni sila.”

(Ngunit mas grabe ang mga reporter na nag-message sa inyo upang tanungin kung ano na ang nangyari sa akin. Nahihilo na talaga sila.)

Sagot ng kanyang kaibigan, “Yaw pada ms nel…. Ky kameh dli mgpadala nla…”

(Huwag kang mag-alala ms nel… Kasi kami hindi magpapaapekto sa kanila…)


Kapansin-pansin ding “Nel” ang ginamit na pangalan ng kanyang kaibigan.

Ang "Nel" ay kabaligtaran ng huling tatlong letra ng pangalan ni Ellen.

AIRPORT SIGHTINGS. Hindi na bago ang airport sightings sa magkasintahang John Lloyd at Ellen.

Ilang beses na silang nakunan ng netizens na magkasama sa airport.

Ngayong Martes, February 20, nakuhanan muli ng larawan ang dalawa sa airport.


Kapansin-pansin ding malaki na ang tiyan ni Ellen, kung saan oversized T-shirt ang kanyang suot, base na rin sa larawang ibinahagi ng www.preview.ph.


Tila paraan ito ng sexy star na matakpan ang lumulobo niyang tiyan, na halos nasa ika-anim na buwan na ng pagbubuntis.

Unang pumutok sa PEP.ph noong November 2017 ang balitang nagdadalantao si Ellen, at ang ama ay ang co-star nito sa Home Sweetie Home na si John Lloyd.

Hanggang ngayon, wala pa ring tuwirang pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang pagiging soon-to-be parents.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaaring maging ihayag nina Ellen at John Lloyd tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN