Anthony Taberna draws flak for alleged victim-blaming on Umagang Kay Ganda

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Anthony Taberna draws flak over his commentary on a news report aired on Umagang Kay Ganda's live telecast last Monday, February 19. 


Umani ng pambabatikos si Anthony "Ka Tunying" Taberna dahil sa komentaryo nito sa news report ng Umagang Kay Ganda tungkol sa babaeng biktima ng panggagahasa.

Sa February 19 live telecast ng Umagang Kay Ganda, ibinalita ang tungkol sa 19-year-old na babaeng nakipag-eyeball sa kanyang ka-chat sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa biktima, sumama siya sa bahay ng barkada ng ka-chat at doon ay nag-inuman sila kasama ng anim pang kalalakihan.

Dito umano nangyari ang insidenteng panggagahasa ng tatlong lalaki, habang ang apat pang lalaki ay pinanood umano ang ginawang pang-aabuso sa biktima.

Nahuli na ang lima sa pitong suspek, ngunit ang mismong ka-chat ng dalaga at isa pang lalaki ay pinaghahanap pa ng awtoridad.

ANTHONY’S COMMENTARY. Sa puntong ito, nagbigay ng komentaryo si Ka Tunying hinggil sa mga kabataang mahilig makipag-eyeball sa mga taong kakikilala lang nila.

Pahayag niya, “Pambihira naman, o. Ito po'y hindi first time na nangyari, ano.

"Napakadami nang pagkakataon 'yang eyeball-eyeball na 'yan.

“At ang mas delikado, nakipag-eyeball ka na nga, nakipag-inuman ka pa.

“Yun ang problema, yun ang mabigat sa lahat.

"Lalo't puro lalaki ang kainuman mo. E, 19 years old lang yun."

Ayon naman sa Umagang Kay Ganda co-anchor na si Jeff Canoy, walang karapatan ang isang lalaking gumawa ng sekswal na pang-aabuso sa isang babae kahit ano pa man ang sitwasyon.

Pahayag ni Canoy, “Madalas, usually, pinapaalalahanan yung mga babae na huwag sumama, huwag uminom.

“Pero dapat yung blame talaga, e, doon sa mga lalaki.

"Dapat ang paalala sa kanila is huwag kayong mang-rape, di ba?

“Pag sinabi ng babae na huwag, huwag, di ba?”

Sumingit si Ka Tunying at sinabing mahalagang “laging nasa red alert” ang mga babae bilang safety precaution.   

Sabi pa niya, “Hindi, sa totoo lang, pagka... Madali sabihin yung sa lalaki.

"Pero pag ipinain na—pasensiya na doon sa biktima, yun dapat mabigyan ng katarungan—pero ito, para sa future na pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag ikaw ay babae, huwag kang papasok sa lungga ng mga tulisan.”

Patuloy ni Ka Tunying, “Ito, ditong nangyari na ‘to, e, kawawa po siya, e. Dapat siyang mabigyan ng [hustisya].

“Ito po ay para doon sa mga hinaharap na pangyayari.

"E, kapag nangyari 'yan sa mga kapatid natin 'yan, baka makapatay tayo, e.

“Lalo kung anak natin ‘yan, di ba?

"Para huwag mangyari yun, maging red alert lagi tayo."

Dagdag ni Ka Tunying, “Yung mga lalaki diyan, pambihira, manligaw kayo nang maayos!”

NETIZENS' REACTIONS. Gayunman, hindi nagustuhan ng ilang netizens ang umano’y paninisi ni Anthony sa mga babaeng tila ginustong malagay sa posisyon na sila ay sekswal na maabuso.

Isa na rito ang spoken word artist na si Juan Miguel Severino, na kinondena ang komentaryo ni Ka Tunying na may halo umanong "victim-blaming" at "boys-will-be-boys mindset."

Narito ang ilang komento ng netizens sa tweet ni Juan Miguel:

May ilan ding nagkomento sa pagdiin ng Umagang Kay Ganda co-anchor na si Canoy na ano pa man ang sitwasyon ay mali ang sekswal na pang-aabuso.

Ngayong araw, February 20, sinagot ng administrator ng official Twitter account ng Umagang Kay Ganda ang tweet ni Juan Miguel hinggil sa komentaryo ni Anthony.

Nakasaad ditong ipinarating na umano kay Ka Tunying ang feedback ng netizens sa isyu.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makipag-ugnayan kay Ka Tunying sa pamamagitan ng text messaging at pag-iwan ng mensahe sa kanyang Facebook page.

At press time ay wala pa itong ibinibigay na official statement.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN