Kathryn Bernardo, Daniel Padilla willing to fight for their love until the end

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla say they are always ready to fight for their love: "Siyempre, hanggang nagmamahalan kayo, doon niyo ipaglalaban hangga't meron."


Kung may isang aral na natutunan si Kathryn Bernardo sa kanyang karakter sa La Luna Sangre, ito ay ang kapangyarihan ng pagmamahal.

Sa thanksgiving press conference para sa nalalapit na pagtatapos ng prime time series ng ABS-CBN, na ginanap ngayong Martes, February 20, inihalintulad ni Kathryn at ng kapareha niyang si Daniel Padilla ang mga sarili sa karakter na ginagampanan nila—sina Malia at Tristan.

Ayon kay Kathryn, “Yung pagmamahal, 'yan pa rin ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

“Kasi, alam naman natin ang pinagdaanan nina Malia and Tristan.

“At the end of the day, kahit gaano kasama yung isang tao, puwede mo yung mabago dahil sa pagmamahal.

"Yun ang natutunan ko na maa-apply ko in real life."

Dagdag ng 21-year-old actress, “Hindi naging madali ang journey nina Malia at Tristan.

“Pero importante dun, hawak-kamay sila para malampasan lahat.

“In real life, may challenges na darating, hindi lahat ng panahon makikisama sa amin.

“Pero ang importante, hawak-kamay namin yun na haharapin.”

DEALING WITH CONTROVERSIES. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na simula nang maging magka-love team sina Kathryn at Daniel, iba't ibang kontrobersiya na ang hinarap nila.

Marami rin ang kumukuwestiyon sa kanilang pagkakamabutihan sa labas ng pagiging magka-love team.

Kaya naman tinanong ang sikat na Kapamilya love team kung hanggan kailan nila kayang ipagtanggol ang pagmamahal sa isa't isa.

Sagot ni Daniel, “Hanggang nagmamahalan kami, oo.”

Natatawang dugtong pa niya, “Puwede ko bang... mahaba 'tong ano mo... ang haba nito.

“Hindi, siyempre hanggang nagmamahalan kayo, doon niyo ipaglalaban hangga't meron.”

Sabat naman ni Kathryn, “Hangga't gusto niyo...”

Patuloy ni Daniel, “Ano pa ang ipaglalaban niyo kung wala na, di ba?”

Pagsang-ayon ni Kathryn, “Nasabi na, kung hanggang kailan namin gusto ipaglaban...”

Tinapos ni Daniel ang kanilang sagot sa pamamagitan ng isang biro.

Sabi ng 22-year-old actor, “Hanggang may katuwiran ka, e, ipaglaban mo,” na popular tagline ng weekly show na Ipaglaban Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

ROLE MODELS. Nagbigay rin ng komento ang dalawa kung bakit nananatiling wholesome ang kanilang tambalan kahit nasa tamang edad na sila.

Ayon kay Daniel, dahil na rin ito sa nagiging huwaran sila ng ilang kabataang Pinoy.

“Para sa sarili [ko] at para na rin sa kanila [fans].

“Puwede mo nang sabihin na yung ibang kabataan ngayon ay kami ang nagiging role model ni Kathryn.

“And kami naman, pinalaki kami nang maayos at tama, so wala kaming pagpapanggap na ginagawa.

"Ito po ay produkto lang kami ng mga magulang namin.

“Kami rin po, alam namin ang dapat ipakita sa mga tumitingala sa amin."

Para naman kay Kathryn, alam niyang may limitasyon ang mga dapat ipinapakita nila sa publiko o ang public display of affection (PDA) na tinatawag.

“Kaya ko siyang yakapin ngayon sa harap niyo,” sabi ni Kathryn, sabay aktong yayakapin si Daniel.

“Pero hindi yun ang problema namin.

"Siguro lahat naman, e, may mga kapalit 'yan, may mga hindi kami nagagawa.

“Pero kung iisipin mo, may mga nagagawa kami na hindi pa rin nagagawa ng iba. Pros and cons yun.

“Like, kami, nakakabili ng bahay sa pamilya namin at a very young age.

“May mga good and bad side naman po talaga lahat.”

Sa ngayon, tila mas mahalaga kina Kathryn at Daniel ang maging magandang ehemplo sa mga kabataan.

Ani Kathryn, “Kami ni DJ, siguro hindi rin naman namin mapa-promise sa lahat na magiging perpekto kaming ehemplo sa inyo.

“Pero maipapangako namin is magpapakatotoo kami sa inyo.

“Nagpapasalamat kami, lalo na sa mga bata na tumitingala sa amin, naging inspirations nila kami.

“Parang yun ang malaking bagay sa amin, okay, ginagawa natin nang tama yung trabaho natin and nagkakaroon kami ng purpose because of them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN