Anthony Taberna apologizes for comment about rape victim

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Umagang Kay Ganda host Anthony Taberna clarifies his comment about a rape victim: "Nais ko pong sabihin na hindi ko sinisisi ang biktima sa nangyari. Dapat pong panagutin sa batas ang mga kriminal. Gaya po ng aking nabanggit sa naturang segment, dapat pong mabigyan ng hustisya ang sinapit po ng biktima."


Humingi ng paumanhin ang Umagang Kay Ganda host na si Anthony "Ka Tunying" Taberna sa lahat ng mga nasaktan sa kanyang reaksiyon sa news report tungkol sa 19-year-old female rape victim sa episode ng morning program ng ABS-CBN noong Lunes, February 19.

Umani ng mga batikos si Taberna dahil sa kanyang pahayag na, "Pasensiya na doon sa biktima. Yun dapat mabigyan ng katarungan—pero ito, para sa future na pangyayari. Kapag ikaw ay babae, huwag kang papasok sa lungga ng mga tulisan.”


Stories We Are Tracking

Anthony Taberna draws flak for alleged victim-blaming on <em>UKG</em>
Anthony Taberna draws flak for alleged victim-blaming on UKG

Sa episode ng Umagang Kay Ganda ngayong Miyerkules, February 21, ay nagpaliwanag si Ka Tunying kaugnay ng kanyang naunang pahayag.

Saad niya, "Bilang isang ama po, lalo po’t parehong babae ang aking mga anak, e, batid ko na masama ang ating mundo at nandiyan lang po ang mga kriminal at mga utak-kriminal.

"Naghihintay lang po ng kanilang mabibiktima.

"Bago po ang news report noong Lunes, lagi kong binabanggit dito po sa UKG na walang puwang na mabuhay sa lipunan natin ang mga rapist.

"Kailanman po ay hindi ko kakampihan ang mga demonyong ito.

"Ang paninindigan ko pong ito ay batid ng mga araw-araw na sumusubaybay sa UKG.

"Subalit alam ko rin na merong mga hindi nagustuhan ang aking komento at ang aking paalaala, ipinalagay na paninisi sa biktima.

"Hindi po yun ang aking intensiyon."

Patuloy niya, "Nais ko rin pong sabihin na hindi ko sinisisi ang biktima sa nangyari.

"Dapat pong panagutin sa batas ang mga kriminal.

“Gaya po ng aking nabanggit sa naturang segment, dapat pong mabigyan ng hustisya ang sinapit po ng biktima."

Kasunod nito ang paghingi ng paumanhin sa mga nasaktan sa kanyang sinabi.

Ayon kay Ka Tunying, "Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nasaktan sa aking komento at mas magiging maingat po ako sa susunod na pagkakataon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN