Kathryn Bernardo says Daniel Padilla-Liza Soberano video is not an issue

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo on Robi Domingo's video of Daniel Padilla and Liza Soberano: "Wala siyang [masamang] intention, and kilala ko si Robi na wala yun. Siguro, yun lang ang pagkaka-interpret ng ibang tao. Ang importante naman, okay kaming dalawa, ayun, na-settle."


Hindi isyu para kay Kathryn Bernardo ang viral video ng kapareha at rumored boyfriend niyang si Daniel Padilla at kapwa nila Kapamilya star na si Liza Soberano.

Ang nasabing video ay kuha ni Robi Domingo sa backstage ng ASAP noong February 11.

Maraming KathNiel at LizQuen fans ang bumatikos kay Robi dahil sa tila panunukso nito kina Daniel at Liza, na parehong identified sa kani-kanilang ka-love team.

Sina Daniel at Kathryn ang bumubuo ng KathNiel, at sina Liza at Enrique Gil naman ang bumubuo ng LizQuen.


Stories We Are Tracking

Robi earns ire of KathNiel fans over Daniel-Liza video
Robi earns ire of KathNiel fans over Daniel-Liza video
Robi Domingo explains story behind Liza-Daniel video
Robi Domingo explains story behind Liza-Daniel video

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Kathryn sa farewell presscon ng ABS-CBN prime time series na La Luna Sangre kahapon, February 20, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa lumabas na video nina Daniel at Liza.

Dito ay kinumpirma niya ang sinabi ni Robi sa hiwalay na panayam na tinawagan siya nito upang humingi ng paumanhin.

Ayon kay Kathryn, “Hindi nga isyu sa akin yun.

“Tumawag sa akin si Robi, nag-sorry siya.

“Wala siyang [masamang] intention, and kilala ko si Robi na wala yun.

“Siguro, yun lang ang pagkaka-interpret ng ibang tao.

“Ang importante naman, okay kaming dalawa, ayun, na-settle.”

Diin pa ng 21-year-old actress, “Hindi ko siya masyadong pinansin na issue.”

Pagkatapos nito ay tumanggi nang magbigay ng karagdagang pahayag si Kathryn.

NEXT PROJECT. Sa nalalapit na pagtatapos ng La Luna Sangre, marami raw mami-miss si Kathryn.

Saad niya, “Yung mga tao, yung cast, pati mga staff and crew.

“Sa set, mas magaan ang feeling sa set, kasi masaya ang lahat.

“'Tapos, halos naging araw-araw ba naman kayo, ‘tapos okay kayong magkakasama.

“Mami-miss ko ang mga tao pati mga co-stars ko.”

Isang pelikulang pagtatambalan nila muli ni Daniel ang susunod na proyekto ni Kathryn pagkatapos ng La Luna Sangre.

Excited dito ang aktres dahil ang direktor ng pelikula ay si Cathy Garcia-Molina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kathryn, “Yung pitching, mangyayari pa siya after Sangre ngayong March.

“Dun nila maaano yung story, kung ano ang tatakbuhin.

“Pero definitely, love story siya.

“Naka-one week shoot lang kasi si Direk Cathy dito sa amin sa La Luna, so siya talaga ang gagawa ng buong movie.

“So, reunion project namin ito with her.

“Alam natin kung paano magtrabaho si Direk Cathy, excited kami marinig kami ang boses niya.”

Si Direk Cathy ang nagdirek ng box-office hit movie nina Kathryn at Daniel na She's Dating The Gangster (2014) at teleserye nilang Got To Believe (2013-2014).

BIRTHDAY GIFT. Halos sampung buwan din ang tinakbo ng La Luna Sangre, kung saan bukod sa pag-arte ay may actions scenes ding ginawa si Kathryn.

Ngayong matatapos na ito, isang bakasyon ang gustong gawin ng aktres bilang regalo na rin sa sarili sa ika-22 kaarawan niya sa March 26.

Ayon kay Kathryn, “After nito, gusto kong pumunta sa sanctuary sa Thailand, sa mga elephants, puwede mo sila paliguan.

“Sana magawa ko yun bago mag-US. Yun ang gusto ko for my birthday talaga.

“‘Tapos US tour, ‘tapos may kaunting break, sasabayan namin yun sa Holy Week.

“Pag-uwi, mayroon kaming two weeks pa.

"So, kung magpi-pitch man o kung saan man, sana naman mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN