Robin Padilla on burying the hatchet with Aljur Abrenica: "Isa sa mga dasal ay nagkaroon ng kasagutan."

IMAGE Courtesy: @marieltpadilla on Instagram

Ngayong tapos na ang pamamanhikan ni Aljur Abrenica kay Robin Padilla, ama ng fiancée niyang si Kylie Padilla, umuugong naman ang balitang sa darating na Hulyo na idadaos ang kasal nina Aljur at Kylie. 


Kasagutan sa isang dasal.

Ganito inilarawan ni Robin Padilla ang pagkikita at pagkakaayos nila ni Aljur Abrenica, ang fiancé ng anak niyang si Kylie Padilla.

Sa Facebook post ng Sana Dalawa Ang Puso star noong Lunes, February 19, sinabi ni Robin na: “Purihin Ang Panginoon! Isa sa mga Dasal ay nagkaroon ng kasagutan.”

Sinamahan ito ni Robin ng selfie picture nila nina Kylie at Aljur.

Mula nang ihayag nina Aljur at Kylie na engaged na sila nang dalawang beses, sa Japan at Pilipinas, hindi ito nagustuhan ni Robin.

Sinundan pa ito ng anunsiyo ng showbiz couple na buntis si Kylie at wala pa silang balak magpakasal dahil uunahin daw muna nila ang kapakanan ng bata.

Nagkaroon naman daw ng ilang attempts si Aljur na makipag-usap kay Robin, ngunit gusto ng ama ni Kylie na maikasal muna ang dalawa bago niya kausapin ang Asintado actor.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas
Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas
Aljur Abrenica admits to being hurt by negative comments
Aljur Abrenica admits to being hurt by negative comments

Sa naganap na pamamanhikan ng pamilya ni Aljur sa pamilya ni Robin noong Sabado, February 17, tila nabago ang ihip ng hangin.

Mukhang natanggap na ng beteranong aktor ang sitwasyon nina Aljur at Kylie dahil na rin siguro sa apong si Alas Joaquin.

Bali-balitang sa Hulyo 2018 magaganap ang inaasam-asam ni Robin na kasal ng anak at ni Aljur.


Stories We Are Tracking

Aljur, Robin cross paths at a family dinner
Aljur, Robin cross paths at a family dinner

“SALAMAT AT HINDI KA NAGSAWA.” Isa sa masugid na naging tulay upang magkaayos ang magkabilang kampo ay ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguz-Padilla.

Kaya naman sa isang post ni Mariel sa Instagram nitong Lunes din, February 19, nagpasalamat si Robin sa asawa na hindi raw nagsawang pag-ayusin sila ni Aljur.

Caption ni Mariel sa post niya ng larawan ni Robin kasama sina Kylie at Aljur, “Because FAMILY is EVERYTHING.”

Because FAMILY is EVERYTHING ????????????

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Sa comments section, nag-iwan ng mensahe si Robin para kay Mariel: “Ikaw ang naging tulay @marieltpadilla maraming salamat at hindi ka nagsawa.”

Pinuri naman si Mariel ng ilang netizens dahil sa kanyang ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Unang nagkita si Robin at apong si Alas Joaquin sa birthday party ng anak nina Robin at Mariel na si Isabella sa The Fort, Taguig City, noong November 18, 2017.


Stories We Are Tracking

Robin Padilla elated to meet grandson with daughter Kylie
Robin Padilla elated to meet grandson with daughter Kylie
Robin Padilla meets grandson Alas for the first time
Robin Padilla meets grandson Alas for the first time


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN