Former Kapuso Richard Gutierrez on working with ABS-CBN: "I'm at the number one company, so I'm happy."

IMAGE Noel Orsal

Richard Gutierrez on starting fresh after a career bust: "I consider myself now as a professional."


Itinuturing ni Richard Gutierrez na panibagong kabanata sa kanyang showbiz career ang paglipat niya sa ABS-CBN.

Pahayag niya tungkol sa pagiging Kapamilya, “Siyempre, I can say na it’s a new chapter in my career, a good chapter, a good start, a fresh start, and exciting for me as an actor, exciting for the audience, and so far so good. 

“Very positive yung feedback. So, I’ve no complaints.

“ABS-CBN is doing great job on what they do, that is why they’re number one, and it’s always good to work with the best.

“And right now, I’m at the number one company, so I’m happy.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard matapos ang presscon proper para sa thanksgiving ng La Luna Sangre, na ginanap sa ABS-CBN compound, kahapon, February 20.

FORMER STATURE. Noong nasa bakuran siya ng GMA-7, si Richard ang may hawak ng titulong primetime king dahil sa sunud-sunod niyang teleserye.

Ang mga pinagbidahan niyang primetime series ay ang mga sumusunod: Mulawin (2004), Sugo (2005), Captain Barbell (2006), Lupin (2007), Kamandag (2007), Codename: Asero (2008), Zorro (2009), Full House (2009), Captain Barbell: Ang Pagbabalik (2011), Makapiling Kang Muli (2012), at Love & Lies (2013).

Nang hindi ma-renew ang kontrata niya sa GMA Network noong 2014 ay pansamantalang nawala sa sirkulasyon ang aktor.

Maliban sa reality show ng kanilang pamilya na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, na ipinapalabas sa cable channel na ETC, ay walang gaanong naging proyekto si Richard.

Noong 2016 ay bumalik siya sa pamamagitan ng Carlo J. Caparas's Ang Panday sa bakuran ng TV5, ngunit hindi ito gaanong lumikha ng ingay.

Noong 2017, gumawa ng malaking hakbang si Richard nang tanggapin niya ang kontrabida role sa teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN, ang La Luna Sangre.

Nag-alala ba siyang hindi na makabalik sa dati niyang stature bilang top-rater star sa telebisyon?  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman,” mabilis na sagot ni Richard.

“But I guess, I evolved also, not only as an actor, as myself also na…

“As long as… if you’re an actor and you’re passionate about your craft, as long as you have that passion, hindi mo masasabi kung ano ang puwedeng mangyayari sa career mo.”

Pag-amin pa niya, “There was a time I was too tired, burnt out, I wasn’t enjoying already.

“So, ako mismo yung tumalikod, ako mismo yung umayaw.

“But kinailangan ko lang pala talaga ng time off to realize things, to really know who I am, to really know what matters most.

“And right now, I’m happy being here.”

Ibig sabihin, okey lang na hindi ni-renew ng GMA-7 ang kontrata niya dahil na-burnout siya?

Tugon niya, “Yeah, that was my choice.

“It is my choice to step away during that time.”

Ano ang nangyari at na-burnout siya?

Ayon kay Richard, “Halu-halo na, e, personal… ang daming nangyari…

“I guess, I wasn’t prepared, you know?

“During that time, parang tuluy-tuloy yung trabaho.

“Hindi ko na kilala yung sarili ko, hindi ko na kilala yung mga kaibigan ko, sino ba talaga yung totoo sa akin, yung mga ganun.

“Parang may pinagdaanan lang ako na mga bagay na I’m glad pinagdaanan ko.”

MAJOR CHANGE. Malaki raw ang nabago kay Richard sa pagtingin at turing niya sa kanyang propesyon bilang aktor.

Saad niya, “Now, I don’t take anything for granted.

“I consider myself now as a professional.

“Before, happy-go-lucky lang, e.”

Inamin din ni Richard na naging problema rin siya sa mga programang pinagbidahan niya.

“Somehow, I can’t deny the fact na noong nabi-burnout na ako, I didn’t like going to work.

“I was always late, bugnutin ako, mainit ulo.

“I was young and burnt out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan siya nagbago?

Tugon niya, “Noong time off ako, ‘tapos tumira kami sa Switzerland for a while. Tumira ako sa States for a while. 

“So, parang ang sarap lang, parang na-rejuvenate lang yung sarili ko, soul ko, yung pagkatao ko. 

“Mapapaisip ka, mari-realize mo yung mga bagay-bagay.

“‘Tapos, parang… kasi pag lagi kang nagtatrabaho, rollercoaster.

“Kaya sinasabihan ko rin sila DJ [Daniel Padilla] na always try to spend time together, try to spend time alone.

“Para lagi kayong fresh”

Na-realize daw ni Richard na ang pagtatrabaho ay hindi lang para kumita ng pera.

“Yeah, that’s why as actors, it’s also important you have something inside.

“You don’t do this for money.

“This is not the most stable job for money, you know.

“So, you do it because you love it, you do it because you love acting.

“Ngayon, nandoon na ako sa point na yun, na I love my craft.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN