John Lloyd Cruz, Ellen Adarna fly to Japan amid wedding rumors

IMAGE Courtesy: @roniyu on Instagram / www.preview.ph

Hanggang ngayon ay pahulaan pa rin kung kasal na o hindi pa sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Hindi rin malinaw kung simpleng honeymoon o bakasyon ang biyahe ng magkasintahan, kasama ang ilang kaibigan, sa Japan. 


Sa Osaka, Japan ang destinasyon ng magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ilang oras matapos silang makuhanan ng litrato habang nasa Mactan-Cebu International Airport sa Cebu, kahapon, February 20.

Ito ay kasunod ng napabalitang kasalan diumano ng dalawa noong February 15.

Ngunit hindi pa rin kumpirmado hanggang ngayon kung may naganap ngang kasal sa pagitan nila.

Itinanggi na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na siya ang nag-officiate sa sinasabing civil wedding nina John Lloyd at Ellen.


Stories We Are Tracking

John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?
John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?

JAPAN WEDDING, HONEYMOON, OR VACATION? Sa mga naglabasang litrato na kuha sa Kansai International Airport, sa Osaka, Japan, makikitang pareho pa rin ang suot ni John Lloyd sa larawang kuha sa kanila ni Ellen sa Mactan-Cebu International Airport.

Makikita namang nagsuot na ng jacket si Ellen habang nakapila sa immigration sa Kansai International Airport.

Sa latest Instagram post ni John Lloyd, kinumpirma niyang nasa Osaka nga sila ng sexy star.

Sabi niya sa caption ng kanyang post, "Chasing reflections in Osaka."

chasing reflections in osaka

A post shared by portal (@ekomsi) on

Sa pananaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alaman naming may ibang mga kamag-anak at kaibigan sina Ellen at John Lloyd na bumiyahe rin patungong Japan.

Ang kapatid ni Ellen na si Rico Adarna ay nasa Tokyo, Japan, kasama ang girlfriend nitong si Louise Tabaquero.


Ang matalik na kaibigan ni Ellen na si Kim Araneta ay kasama rin nina Rico at Louise sa nasabing biyahe.


Si Kim ay kasama rin sa Bantayan Island escapade nina John Lloyd at Ellen noong September 2017.

Kung hindi natuloy ang kasal nina John Lloyd at Ellen sa Pilipinas, ibig bang sabihin nito ay sa Japan ito gagawin?

O kung natuloy man, ito na ba ang honeymoon nila?

O normal na bakasyon lamang ito ng magkakaibigan?

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa gustong ihayag ng mga taong nabanggit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN