Netizens hit Joey de Leon for "offensive" joke to former prostitute

IMAGE Joey de Leon Twitter

Netizens call out Joey de Leon for issuing an "offensive" joke to a prostitute-turned-born-again-Christian in Eat Bulaga.


Hindi pinalampas ng netizens ang umano’y “distasteful, insensitive, and offensive” joke ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa winner ng "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga kahapon, February 20.

Ang contestant na nagngangalang Mary Jane ay umaming dating prostitute sa Pasay City, at ngayon ay isa nang born-again Christian na naninirahan sa isang ministry/shelter sa Olongapo City.

Sa Olongapo City ginanap ang “All For Juan, Juan For All" segment kahapon, kung saan naroon sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza.

Nasa Broadway Centrum studio sa Quezon City naman ang Eat Bulaga! hosts na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Allan K.  

Ayon sa netizens, sa halip na magpakita ng simpatiya sa karanasan ng contestant ay nakuha pa raw ni Joey na magbiro at tanungin ang contestant kung mayroon itong naging customer na taga-Eat Bulaga.

STORY OF MARY JANE’S PAST JOB. Base sa video ng Eat Bulaga!, naikuwento ni Mary Jane na siya ay tubong-Panabo, Davao del Norte.

Lumuwas siya ng Pasay City sa pagbabakasakaling makahanap ng trabaho, ngunit sa pagbebenta ng sariling katawan ang kinahantungan niya.

Lahad ni Mary Jane, “Ginagawa ko dati sa Pasay, binebenta ko sarili ko…

“Napunta po ako sa Pasay dahil may nag-ano po sa akin na kapitbahay po sa amin sa probinsiya, sabi maganda raw.

“Pero ang napasukan kong trabaho po, binebenta po yung sarili po.”

Nagkaroon ng dalawang anak si Mary Jane sa magkaibang lalaki na naging "guest" o "customer" niya.

Buntis daw siya sa ikalawang anak nang makilala niya ang isang babaeng nagdala sa kanya sa ministry/shelter sa Olongapo City.

Apat na taon nanirahan si Mary Jane at ang bunso niyang anak na lalaki sa Olongapo, habang ang panganay niyang anak na babae ay naiwan sa isang shelter sa Antipolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay nakatakda nang umalis ng shelter sa Olongapo si Mary Jane dahil overstaying na siya roon.

Kaya raw lubos ang kanyang pasasalamat na napili siyang winner ng Eat Bulaga, dahil plano niyang gamitin ang cash prize na makukuha sa pagsimula ng bagong buhay sa piling ng dalawang anak.

JOEY’S “OFFENSIVE” JOKE. Ngunit sa isang punto ng segment, humirit ng biro si Joey.

Tanong ni Joey kay Mary Jane, “May naging guest ka bang taga-Eat Bulaga? Hindi, baka napasyal lang.”

Pagtuturo pa ni Joey sa katabi ni Mary Jane na sina Jose at Wally, “'Yang dalawang katabi mo.”

Ilang segundo ang lumipas bago nakapag-react ang Eat Bulaga! co-hosts ni Joey dahil sa kaunting delay ng live telecast.

Sa pagpapatuloy ng segment, idinaan na lang din sa biro nina Paolo at Jose ang hirit ni Joey.

Tanong ni Paolo kay Mary Jane, “Eto po, nakikilala niyo po sila?”

Sagot ni Mary Jane, “Si Jose po at saka si Wally po.”

Hirit ni Wally, “Sabi ko na nga ba! O, kita mo ikaw din pala!"

Tanong ulit ni Paolo kay Mary Jane, “Sino ang mas madalas sa kanilang dalawa?”

Natatawang sagot ni Mary Jane, “Si Wally po!”

Natawa rin si Maine sabay turo kay Wally, “Haha! Ikaw raw mas madalas!”

FRESH START. Pagkatapos ay pinaupo na ni Jose si Mary Jane sa kalapit na upuan at doon patuloy na ininterbyu ang huli tungkol sa naging buhay nito matapos makawala sa pagiging prostitute.

Payo pa ni Jose kay Mary Jane, “Kahit magipit ka, huwag ka na babalik sa ginagawa mo dati.”

Pagsang-ayon ng contestant, “Hindi na po ako babalik sa ginagawa ko dati.”

Sa huli, pinayuhan din ni Vic si Mary Jane na paglabas niya ng ministry/shelter sa Olangapo City ay bumalik na lang sa probinsiya nito sa Panabo, Davao del Norte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Vic, “Bigyan niyo ng pamasahe tsaka pag-umpisa ng negosyo para sa panibagong buhay ni Mary Jane."

FURIOUS NETIZENS VS. JOEY. Hindi man umalma si Mary Jane sa pagbibiro sa kanya ni Joey, umani pa rin ang huli ng pambabatikos sa netizens dahil sa umano’y pambabastos nito sa "Sugod Bahay" winner.

May ilang netizens ang nagsasabing dapat ay matanggal na umano si Joey sa Kapuso noontime show.

May ibang netizens naman ang nagsabing tila hindi na natuto si Joey sa kabila ng mga binitiwan nitong hindi magandang jokes noon.
Bukod sa insensitive ay hindi raw dapat ginawang katatawanan ni Joey ang karanasan ng contestant.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ni Joey at ng Eat Bulaga! hinggil sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN