Ejay Falcon explains why he doesn't want girlfriend Jana Roxas to return to showbiz

IMAGE Noel Orsal / Instagram (inset)

Ejay Falcon on proposing to girlfriend Jana Roxas: "Sa ngayon, wala pa talaga. Trabaho lang. Well, ako kasi, kusang nararamdaman yun. Ako nga, di ba, nung pinublic ko, kusa kong naramdaman na ito na yung time. Ako din naman, naniniwala ako na timing din."


Nagpaliwanag si Ejay Falcon kung bakit ayaw niyang bumalik sa showbiz ang girlfriend na si Jana Roxas.

Si Jana ay sumali sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 3.

Pagkatapos nito ay umabak siya sa showbiz at nakasama sa ilang teleserye ng Kapuso network. 

Ang huli niyang teleserye ay ang Ikaw Na Sana noong 2009.

Ayon kay Ejay, inaalala nila ni Jana na baka maging kumplikado ang kanilang relasyon kapag nag-showbiz muli ang girlfriend.

“Parang okay kasi kami, e.

“Parang nakakatakot na parang sumugal sa mga ganung bagay. Trabaho kasi.

“Iba naman trabaho talaga ng artista, yung oras, yung time.

“So, pa’no yun?

“Mamaya, magkaibang trabaho kami, hindi na kami magkikita, magkaibang project.”  

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa thanksgiving press conference ng Kapamilya teleserye The Blood Sisters nitong Miyerkules, February 21.

ON ENGAGEMENT PLANS. “Ah, wala, hindi. Wala pa,” sagot ni Ejay nang matanong kung posible bang ma-engage sila ni Jana any time soon.

Isa’t kalahating taon na ang relasyon nila.

Dagdag ng binata, “Kami naman, hindi naman nagtatago, open naman.

"Sa ngayon, wala pa talaga. Trabaho lang.

“Well, ako kasi, kusang nararamdaman yun.

“Ako nga, di ba, nung pinublic ko, kusa kong naramdaman na ito na yung time.

“Ako din naman, naniniwala ako na timing din.”

November 2016 nang ilantad ni Ejay ang relasyon nila ni Jana.

Ayon pa sa Kapamilya actor, “Ini-enjoy lang namin ang journey namin.

"Yung normal na nangyayari sa relasyon na masaya lang, super enjoy."

November 2017 naman nang lumabas ang balitang nagpakasal umano sila nang magtungo sa US.

Nilinaw ni Ejay na walang kasalang naganap.

Binisita lang daw nila ang ama ni Jana na halos tatlong dekada na nitong hindi nakikita.

PROUD OF ERICH. Nagsisilbing reunion nina Erich Gonzales, Enchong Dee, at Ejay ang The Blood Sisters.

Una silang nagkasama sa Kapamilya afternoon teleserye na Katorse noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng halos isang dekada, ayon kay Ejay, malaki na ang ipinagbago ni Erich.

“Ang daming nagbago sa kanya.

"Sabi ko nga, siyempre yung range ng acting niya ngayon, ibang klase na.

"Nakaka-challenge, sobrang galing niya talaga.

“Makikita niyo naman kasi tatlong characters,” na ang tinutukoy niya ay tatlong karakter na ginagampanan ni Erich sa teleserye.

Dagdag ni Ejay, “Siyempre nung time ng Katorse, siyempre lahat kami mga bata, mga teens.

“Ngayon, ilang years na lumipas, yung maturity as a person, nag-iiba rin talaga.

“Napakaganda niya ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN