Vitto Marquez keeps mum on rumors about co-Hashtags members becoming young dads

IMAGE Glenn Regondola

Vitto Marquez, member of the all-male group Hashtags seen on the Kapamilya noontime show It's Showtime, refuses to comment on the rumor that two of his co-members are about to become young dads. "I'm not in the position to say anything about it. Siguro po, everything happens for a reason. We just want to go on, and do our work."


Hangga't maaari ay ayaw magsalita ni Vitto Marquez tungkol sa balitang dalawang miyembro ng grupong Hashtags ang diumano'y nakabuntis.

Gusto niya sanang iwasan ang tungkol sa isyung ito, pero dahil bahagi siya ng Hashtags ay hindi maiwasang hingan siya ng opinyon tungkol dito.

Si Vitto ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na ipinakilala noong isang taon bilang isa sa second batch ng Hashtags.

Pahayag ng newbie actor, "I'm not in the position to say anything about it.

"Siguro po, everything happens for a reason.

"We just want to go on, and do our work."

Ka-batch daw niya ang dalawang natsismis, pero marami ang gustong malaman kung nasa grupo pa ba ang mga ito?

Pagkumpirma niya, "They're still with the group.

"Basta pagdating po sa ganyan, hindi ako nakikialam, e.

"I'm not sure what's happening, kasi ayaw kong makihalo sa mga ganyang nangyayari.

"Iniiwasan ko pong tanungin, kasi mga kaibigan ko sila, e.

"Non-showbiz man o showbiz, they're my friends, so susuportahan ko sila kung saan man sila masaya."

Dugtong pa niya, "Hindi siya clear sa akin, kasi hindi ko talaga tinatanong.

"Para sa akin, it doesn't matter, kasi they are my friends.

"As a friend, susuportahan ko sila sa anumang isyu."

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Vitto sa grand media launch ng pelikulang Squad Goals ng Viva Films, na ginanap sa Le Reve Events Place, Quezon City, kahapon, February 21.

Sa pelikulang ito ay kasama niya ang iba pang Viva talents na sina Julian Trono, Jack Reid, Andrew Muhlach, at Dan Huschcka.

RISK-FREE. Mabuti nga raw at hindi siya nasasangkot sa ganoong isyu, lalo na't isa siyang Marquez na kilala sa showbiz na habulin ng mga babae.

Diin ng 22-year-old dancer-actor, "Ay, sana po hindi!

"Siyempre, safe sana dapat tayo lahat.

"Sabi nga ng tatay ko, career muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba nito ay nagpa-practice siya ng safe sex?

Diretsahang sagot niya, "Of course, everyone should be.

"And para rin risk-free.

"Basta ang sabi niya [Joey], career muna before anything.

"Career and pag-aaral muna.

"If nag-succeed ka, dun ka makakahanap ng...

"Actually ngayon, for a long time, umiiwas po ako.

"One of the big factors ay parang yung sa isang course, naka-focus ako.

"Gusto kong maipakita na kung kaya ng tatay ko, kaya ko rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN