Heart Evangelista deadma on "baog" issue hurled against her by bashers

IMAGE Courtesy: @iamhearte on Instagram

Pinagtawanan lamang ni Heart Evangelista ang mapanirang komento ng ilang bashers na siya raw ay baog.  


Sa Hong Kong nag-celebrate si Heart Evangelista at asawa nitong si Senator Francis "Chiz" Escudero ng kanilang third wedding anniversary.

Ikinasal sina Heart at Chiz sa Balesin Island Club, Quezon, noong February 15, 2015.

February 14 naman ang birthday ni Heart kaya laging double celebration ang kanilang anniversary.

Kuwento ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, simple lang naman daw ang kanilang selebrasyon.

Kakain lamang daw sila ng asawa at mamamasyal.

Cheers to you and me... ??

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Ngayong tatlong taon na silang kasal, kasunod na hinihintay ng kanyang mga tagahanga ay ang pagkakaroon nila ng baby.

Ngunit ngayong taon pa lang daw nila ito gagawing “project” ng asawa.

At kahit pinili ng mag-asawa na hindi muna magkaanak, may ilang bashers naman si Heart na nagsasabing "baog" diumano siya kaya ito nabubuntis.

Ipinagtanggol naman si Heart ng kaibigan niyang si Lovi Poe tungkol dito.

Saad ni Lovi sa isang panayam nitong nakaraang linggo, “I don’t think it’s fair for any woman to get bashed for like, not choosing to have a baby just yet.”


Stories We Are Tracking

Lovi Poe defends Heart Evangelista on
Lovi Poe defends Heart Evangelista on "baog" issue

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart ng pahayag tungkol dito.

Natatawang sagot ng Kapuso actress, “Hahaha. Deadma ako diyan.”

Hindi na nagdagdag ng pahayag si Heart tungkol sa mga mapanirang komento ng bashers sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN