Zanjoe Marudo's mother laid to rest

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Zajoe Marudo's mom, Rosana, passed away last week and was laid to rest this Wednesday, February 21. 


Inihatid na sa huling hantungan ang ina ni Zanjoe Marudo na si Rosana Marudo sa Himlayan sa Tanauan, Batangas, nitong Miyerkules, February 21.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic, ang talent management company na humahawak sa career ni Zanjoe, nitong Huwebes, February 22, upang humingi ng detalye tungkol sa pagpanaw ng ina ng aktor.

Biyernes, February 16, nang makatanggap daw ng tawag si Zanjoe dahil pumanaw na ang kanyang 60-anyos na ina.

Nasa Nueva Ecija raw si Zanjoe at nagti-taping para sa Maalaala Mo Kaya nang makuha ang tawag at pinauuwi na sa Batangas.

Sina Zanjoe ay anim na magkakapatid. 

Tinitiyak pa ng Star Magic ang dahilan ng pagkamatay ng ina ni Zanjoe. 

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang 35-anyos na aktor ng larawan ng ina na may simpleng caption: “aking Anghel…”

aking Anghel... ????

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

Samantala, bumuhos ang pakikiramay kay Zanjoe via Instagram, mula sa dating kasintahang si Bea Alonzo, at iba pang mga kapwa artistang sina Bela Padilla, Jason Abalos, Iza Calzado, at Coney Reyes.





 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN