Angelica Panganiban on her hugot lines: "Freedom ko yun, freedom ng mga nasaktan at nagmahal yun."

IMAGE Courtesy: Bright Bulb Productions on Facebook

Angelica Panganiban on speculations that her hugot lines are intended for ex-BF John Lloyd Cruz: "Hindi lang naman siya yung naging nakarelasyon ko."


Madamdamin ang spoken poetry na inihandog ni Angelica Panganiban sa mga nanood ng concert ni Moira dela Torre na Tagpuan, sa KIA Theatre, noong Linggo, February 18.

Tinalakay kasi rito ang pagkabigo ng isang taong labis na nagmahal at nasaktan.

Sa saliw ng awitin ni Moira na "You Are My Sunshine," binigkas ni Angelica ang mga linyang punung-puno ng hugot.

“Bakit kaya lagi akong iniiwan?

“Bakit kaya lagi akong nasasaktan?

“Bakit kaya lagi na lang umiiyak?

“Lagi na lang masakit.”

Patuloy ng Kapamilya actress, “Aabot ka dun sa mauubusan ka na ng mga bakit.

“Mauubusan ng sigla… ng gana…

“Pupuwede ka pala nilang tapusin.

“Pupuwede ka palang mamatay.

“At kapag doon… nakabaon ka na sa sobrang kalungkutan.

“Doon ka na babangon.

“Sa sarili ka lang kakapit.

“Sa sarili ka maniniwala at magtitiwala.

“Sa sarili ka muna magsisimula.

“Pag buo mo na lahat ng nasira sa ‘yo

“At dahan-dahan, dun mo tatapusin ang mahirapan.

“Dun mo tapusin ang maawa sa sarili.

“Dun ka na lalaban, dun mo iiwan ang pagiging duwag.

“Ewan mo sa mga naging duwag na mahalin ka.

“At dahan-dahan mapapalitan lahat ng bakit… ng pasasalamat

“Maiisip mong ibabalik ng tadhana…

“Ang lahat ng nakalaan para sa ’yo.

“At dahan-dahan, mararamdaman mo na muling mabuhay.

“Sa bagong liwanag na ikaw lang ang bubuo.

“Makikita mo hinahanda ka lang pala ng Bathala para sa nakatadhana.

“Para sa mas matibay na ikaw.

“Mas matapang para sa bagong buhay.

“Bagong pagmamahal.

“At bagong ikaw.”


(Moira dela Torre and Angelica Panganiban)

Kapag Malaya ka na. Mahal kita, @moirarachelle

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

"FREEDOM KO YUN." Matapos ang concert, tinanong ng media si Angelica kung ang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz ang tinutukoy niya sa kanyang spoken word piece.

Sagot niya, may kalayaan ang mga taong humusga at humula kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Sa ulat na lumabas sa ABS-CBN New Online ngayong araw, February 22, sinabi ng aktres na kalayaan niyang maglabas ng hinanakit sa isang tao bilang siya ay nasaktan naman nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Sorry ha, pero hindi lang naman siya [John Lloyd] yung naging nakarelasyon ko.

“Puwede naman tayong mag-assume lahat. Sila [mga tao] na ang bahala dun.

“Nagsalita ako, sinabi ko ang gusto ko, freedom ko yun, freedom ng mga nasaktan at nagmahal yun.”

Ang girlfriend ngayon ni John Lloyd ay si Ellen Adarna, na buntis sa kanilang unang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN