Richard Gomez falls victim to fake news

IMAGE Instagram photo of Richard Gomez

Richard Gomez posts news story about Queen Elizabeth II and President Rodrigo Duterte from a fake news website.


Usap-usapan ngayon sa social media ang nai-share ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na fake news sa kanyang Twitter account.

Ngayong Huwebes ng umaga, Pebrero 22, nag-post ang actor-politician ng isang news item tungkol sa diumano'y sinabi ng reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II tungkol kay Philippine President Rodrigo Duterte.

Ang news ay may titulong “Queen Elizabeth: 'Who Who Would Have Thought That One Day Philippines Will Get A Brave man Like Duterte?'”

Ang quote ay hango diumano sa report ng British Broadcasting Corporation (BBC).

Pero lumalabas na ang artikulo ay mula sa fake news website na britana.altervista.org.

Walang anumang sinabi si Richard nang i-post niya ito sa kanyang Twitter account.

Sa ngayon ay may mahigit 100 replies na ito, karamihan ay pumuna sa alkalde ng Ormoc City sa pagse-share ng isang fake news.

Una na itong tinawag ng "fake" ng isang website na nag-a-identify ng fake news, ang memebuster.net, noong 2016.

Isang netizen ang nag-screenshot ng dating post ng Meme Buster at ibinahagi ito kay Richard.

May ilang netizens naman ang nagpayo kay Richard na alamin muna kung tunay ang news bago mag-post sa social media.

Bukod kay Richard, naging biktima rin noon ng fake news si dating PAGCOR AVP at ngayo'y OWWA Deputy Executive Director V Arnell Ignacio.

Minsan siyang nag-post ng isang news item mula sa isang satirical news website.


Samantala, narito ang isang espesyal na ulat ni GMA News reporter Joseph Morong para sa Fact or Fake tungkol sa kung paano alamin ang fake news.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN