Jolo Revilla calls Jodi Sta. Maria "asawa" on Instagram

IMAGE @jolo_revilla)

Cavite Vice Governor Jolo Revilla expressed how proud he is with his relationship with Jodi Sta. Maria when he took to Twitter to greet her on their 81st month anniversary as a couple. Jolo even called the actress "asawa."


Binati ng actor-politician na si Jolo Revilla ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria para sa kanilang ika-81 buwan o higit sa anim na taong pagsasama bilang magkarelasyon.

Sa kanyang Instagram account nitong Huwebes, February 22, nag-post si Jolo ng larawan ni Jodi 35.

Maiksi subalit makahulugan ang caption ng 29-anyos na vice governor ng Cavite.

Bukod sa papuri na maganda si Jodi, tinawag pa niya ang 35-anyos na aktres na "asawa."

Caption ni Jolo: “Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!”

Ang ganda talaga ng asawa ko!????Happy 81st month sa ating dalawa!??????

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Sa pagitan nina Jolo at Jodi, mas vocal si Jolo sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa girlfriend, kahit sa social media.

Pero nito lamang January 2018, sa pambihirang pagkakataon ay napaamin si Jodi sa guest appearance niya sa Tonight With Boy Abunda.

Sa isang punto ng interview, natanong si Jodi sa dalawang lalaking pagbibigyan niya ng kanyang puso.

Bukod sa anak niyang si Thirdy, sinabi ng aktres na si Jolo ang masuwerteng lalaki.

“First time na sasabihin ko… naibigay ko na sa kanya ang puso ko, kay Jolo,” bulalas ni Jodi.

Idinaan naman sa Twitter ni Jolo ang kanyang reaksiyon.

Inamin ng anak nina dating Senator Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado na kinilig siya sa sagot ng girlfriend.

“Wagas ang kilig ko Love! Parang kakasagot mo pa lang sa akin. I Love you now and forever!” tweet ng actor-politician.

Parehong may anak mula sa dating relasyon sina Jodi at Jolo.

Si Jodi ay may isang anak, si Thirdy, sa dating asawa na si Pampi Lacson.

Si Jolo naman ay may isa ring anak, si Gabriel, sa dating girlfriend na si Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN