Sanya Lopez chooses showbiz career over beauty queen aspiration

IMAGE Noel Orsal

Sanya Lopez: "One at a time, career muna, and then yung dream ko na maging title holder ng isang beauty pageant."


Dalawang beses na palang sumali sa local beauty pageants si Sanya Lopez.

Ito ay ang Reyna ng Bulacan noong 2013 at Reyna ng Aliwan noong 2014, kung saan pareho siyang naging runner-up siya.

Marami rin ang humihikayat ngayon kay Sanya na sumali sa Binibining Pilipinas o sa Miss World Philippines.

Pero hindi pa raw siya handa.

Ayon sa 21-year-old Kapuso actress, "Meron pa ngang tina-tag ako noon about sa screening ng Binibining Pilipinas.

"Pero feeling ko kasi, hindi pa ako ready, hindi ko pa ramdam na dapat na akong mag-join.

"Siguro pag 24 or 25 na ako, baka handang-handa na ako mag-join physically and emotionally.

"Gusto ko kasi na pag sumali ako, yung handang-handa na ako at gustung-gusto ko na. 

"Ngayon kasi, mas gusto ko munang bigyan ng oras yung showbiz career ko.

“One at a time, career muna, and then yung dream ko na maging title holder ng isang beauty pageant.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya nang mag-guest siya sa programang Walang Siyesta ng DZBB 594 kamakailan.

HAPLOS ENDING. Ngayong araw, February 23, magtatapos na ang pinagbibidahang afternoon drama series ni Sanya sa GMA-7, ang Haplos.

Mami-miss daw ng aktres ang kanyang mga katrabaho.

Aniya, “Yung pagiging close namin, ng lahat… yung bonding naming mga artista, mga staff, crew.

“Sobrang babait, lalo na ni Direk [Gil Tejada Jr.], sobrang haba ng pasensiya.”

Sa ngayon ay wala pa raw sinasabing susunod na project si Sanya.

“Siguro time for myself muna.

“Kailangan ko muna ihanda yung sarili ko for workout and para sa susunod ko pang project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN