Kim Domingo's boyfriend Mike Acuña owns up to video scandal: "Wala naman mawawala sa akin."

IMAGE Courtesy: @therealmikeacuna on Instagram

Inamin ni Michael 'Mike' Acuña, boyfriend ni Kim Domingo, na siya nga ang lalaki sa video scandal na kumakalat ngayon. Pero diin niya, "Alam naman ng family ko 'yan, alam ng GF ko 'yan. Andiyan pa rin sila for me. I'm still happy right now. I'm busy sa mga agenda ko. I'm a guy at walang mawawala sa akin."


“I’m not affected anymore.”

Ito ang pahayag ni Michael "Mike" Acuña sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng muling paglabas ng kanyang video scandal.


Stories We Are Tracking

Alleged video scandal of Kim Domingo's BF surfaces online
Alleged video scandal of Kim Domingo's BF surfaces online

Eksklusibong nakapanayam namin si Mike sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram  ngayong Biyernes, Pebrero 23.

Dito ay direkta niyang inamin na siya nga ang nasa video.

Pero paglilinaw ng basketball player-model, “That’s an old video, 2009.”

Ganito ang smile kapag maraming pay in ????????

A post shared by michael acuña (@therealmikeacuna) on

Ayon kay Mike, bago pa man sila nagkaroon ng relasyon ng Kapuso actress na si Kim Domingo ay naipaalam na niya ito.

“Hindi pa kami ni Kim niyan.

"At bago pa lang kami ni Kim, alam na niya about my scandal.

"So, hindi na ako affected."

Dagdag niya, “No, hindi. Dahil old video na ‘yan.

"It’s already 2018, hindi lang ako may video, ang daming tao, mga sikat pa.

“Wala naman mawawala sa akin.

"Alam naman ng family ko ‘yan, alam ng GF ko ‘yan.

“Andiyan pa rin sila for me.

"I’m still happy right now. I’m busy sa mga agenda ko.

“I’m a guy at walang mawawala sa akin.”

May idea ba siya kung sino ang nagpakalat sa nasabing video scandal niya?

Tugon ni Mike, “I don’t know.”

Pero may karma rin daw sa nagpalabas nito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN