Erich Gonzales on Enchong Dee: "Parte po siya ng buhay ko."

IMAGE Noel Orsal

Though their teamup did not prosper into a serious relationship, Erich Gonzales and Enchong Dee consider each other as special friends. 


Hindi man sila nagkatuluyan sa tunay na buhay, sinubok na ng panahon ang samahan at pagkakaibigan ng magkatambal na sina Erich Gonzales at Enchong Dee.

Ayon kay Erich, “I think, sobrang laking bagay na kaibigan mo rin yung kasama mo sa trabaho.

"And even outside work, yung relationship niyo, hindi natatapos dun.

"Talagang nandun yung genuine concern, yung care, yung love na kahit anong mangyari, kasama mo siya.

"Hindi lang sa lahat ng ginhawa, pati sa hirap."

Dagdag pa ng 29-anyos na Kapamilya actress, “Parte po siya ng buhay ko talaga, si Enchong.

“Yung relationship po namin, mas stronger po ngayon, mas solid talaga."

Uang nagkatambal sina Erich at Enchong sa launching teleserye nilang Katorse noong 2009.

Nagkasama silang muli sa teleseryeng Maria La del Barrio (2011), gayundin sa mga pelikulang I Do (2010) at Once A Princess (2014).

Ngayon, balik-tambalan ang dalawa sa bagong ABS-CBN drama series na The Blood Sisters.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Erich at Enchong sa thanksgiving presscon ng kanilang teleserye noong Miyerkules, February 21.

HAPPY FOR ERICH. Ayon naman kay Enchong, ang pagkakaibigan nila ni Erich ay mas tumibay nang magkahiwalay sila ng trabaho.

Saad ng 29-year-old actor, “Yung friendship ang pinaka-seed namin. Yun yung foundation namin.

"So, wherever we go, minsan magti-text kami out of nowhere.

“Hindi kami nagkakatrabaho, pero andun yung concern, andun yung care, andun yung respeto."

Patuloy ni Enchong, “I’ve always been like a confidante to her.

“Minsan nga ano, ilan kaming magkakaibigan, pero andun kami parati sa isa't isa.”

Bilang aktres naman, puring-puri ni Enchong si Erich.

“I’ve been saying this sa interviews ko, she’s so good now, she’s really, really good.

“I think, whoever she worked with before, nakuha niya lahat ng lessons at ina-apply niya ngayon.

“It’s a gift from Above whatever she’s experiencing right now, because she’s been through a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And blessed kami dahil sa pamilyang ito na nasa harapan niyo... we’re really working as a unit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN