Luis Manzano, Jessy Mendiola plan to marry abroad

IMAGE Instagram

Luis Manzano declares he is ready anytime to marry his girlfriend Jessy Mendiola. Will it be soon? "Mas gusto kong sundin ang timeline niya," he said.


Kagaya ng ibang showbiz couples, kung saka-sakali, sa abroad din planong magpakasal nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
     
Ayon sa TV host-actor, “Destination wedding, siguro, iniisip namin kung saan pa, may mga choices na kaming naiisip.

“Kailangan lang naming siyempre pumunta kung saan man yun para ma-ocular.
     
“Kung dito? Hindi, iniisip din namin abroad.” 

Ibig sabihin ay talagang pinag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

Kinilig nga ang marami sa mga tagahanga nila nang mag-comment si Luis na “soon po” sa Instagram post ni Jessy na naka-bridal gown.


Stories We Are Tracking

Luis Manzano reacts to Jessy Mendiola's bridal shoot
Luis Manzano reacts to Jessy Mendiola's bridal shoot


    
May definite date na ba ang sinasabi niyang “soon po” sa girlfirend?
    
Ayon kay Luis, “Soon, yun naman talaga, hindi ko naman nilalabo o itinatago under different context.

“Yun naman talaga, yun ang goal naming lahat.”
    
Pero aniya, “Definite date? Wala pa talaga, but definitely soon.

"Kumbaga, it’s in immediate plan.

“Kumbaga sa biyahe, nasa itinerary ‘yan, e.” 
     
Seryosohang usapan ba ito o biru-biruan lang na wala pang malinaw na detalye?
   
Tugon ni Luis, “A bit of both, minsan may mga punchlines ako hinahalo.

“Siya din, pero basically, seryoso naman ang intensiyon namin pag pinag-uusapan namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa studio ng ASAP noong Linggo, February 18.    

PUSHY PARENTS. Ayon kay Luis, mas excited pa sa kanya ang mga magulang niyang sina Lipa City Representative Vilma Santos at Edu Manzano sa pagkakaroon niya ng pamilya.
    
“Kung excited ako, mas excited siya [Vilma].

"Sabi ko nga, sila ni Daddy, mas pinu-push ang apo, e.

“In due time, saka kung apo lang naman, e, di hingin nila kay Ryan.

“It’s gonna happen din naman soon.”

Si Ryan o Ryan Christian ang half-brother ni Luis sa inang si Vilma at asawa nitong si Senator Ralph Recto.

May balak na ba si Luis kung kailan magaganap ang inaabangang engagement nila ni Jessy?
    
Aniya, “Siyempre secret na yun kung kailan mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga sa kanya, mangyayari yun pag nakaano yung card mo.

“Ako naman, anytime, okay ako.

"Pero sabi ko nga, mas gusto kong sundin ang timeline niya."   


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN