Wil Dasovich claims medical marijuana helped him battle colon cancer

IMAGE Courtesy: Wil Dasovich Facebook fan page

Ang mga doktor daw ni Wil Dasovich ang nagmungkahi sa kanyang gumamit ng medical marijuana sa paglaban sa sakit na cancer.


Inamin ng vlogger na si Wil Dasovich na malaking tulong ang paggamit niya ng medical marijuana sa kanyang paggaling mula sa colon cancer.

Ang paggamit ng marijuana for medical purposes ay legal sa 29 states ng USA, kabilang ang California, kung saan nakatira si Wil.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa programang ANC’s Headstart kapahon, February 23, ipinaliwanag ng dating Pinoy Big Brother housemate kung paano nakatulong sa kanya ang medical marijuana.

Lahad niya, “In California, maybe some people don't know this, but marijuana is legal.

“Not just medical marijuana, as in like marijuana by itself...

"Every single cancer patient I met in the infusion center uses medical marijuana.

“Because the best thing it does, it's kind of like a miracle drug.

“They give you all these pills and stuff... I hated popping all these prescriptions they're giving.

“It works, it alleviates stuff, but nothing was like medical marijuana.”

Iminungkahi raw ng mga doktor ni Wil na gamitin sa kanya ang itinuturing doong miracle drug, bukod sa pagsasailalim sa chemotherapy.

Patuloy niya, “There's something about it. The best thing is that it gives you an appetite.

“When you are in chemo, nothing tastes good.

"Your favorite food just tastes terrible, so you stop eating.

"I didn't try it until halfway through my cycles.

"Chemo gets harder through every cycle, but it actually became so much easier once I've finally tried that [medical marijuana] and did it.

“And I didn't do it to smoke because I want to preserve my lungs.

"It comes in candy, in brownies, and everything."

Dito sa Pilipinas, nananatiling ilegal ang paggamit ng anumang klase ng marijuana.
 
Anim na buwang nilabanan ni Wil ang karamdamang una niyang natuklasan noong August 2017.


Stories We Are Tracking

Ex-<em>PBB</em> housemate Wil Dasovich diagnosed with cancer
Ex-PBB housemate Wil Dasovich diagnosed with cancer

Noong February 2, sa pamamagitan ng YouTube video na pinamagatan niyang "Life Determined by a Phone Call (EMOTIONAL)," inanunsiyo ng 25-year-old model and vlogger na napagtagumpayan na niya ang laban sa colon cancer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Vlogger Wil Dasovich now cancer-free
Vlogger Wil Dasovich now cancer-free


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN