Aljur Abrenica and Robin Padilla apologize to each other during family dinner

IMAGE Courtesy: @marieltpadilla on Instagram

Ayon kay Aljur Abrenica, nagpaliwanag si Robin Padilla sa kanya kung bakit hindi sila nasuportahan nito noon ng girlfriend na si Kylie Padilla. Naintindihan naman daw niya ito at sila ay nagkapatawaran na.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinihagi ni Aljur Abrenica ang paghaharap nila ni Robin Padilla, ama ng kanyang fiancée na si Kylie Padilla, nang magkita sila sa isang family dinner noong February 17, Sabado.

Pinaniniwalaang ang family dinner na iyon ay pamamanhikan na rin ng pamilya ni Aljur sa pamilya ni Kylie.

Kasama nina Aljur at Kylie ang kani-kanilang pamilya, pati na ang anak nilang si Alas Joaquin.


Stories We Are Tracking

Aljur, Robin cross paths at a family dinner
Aljur, Robin cross paths at a family dinner

Sa panayam niya kay Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes, February 23, ikinuwento ni Aljur ang napag-usapan nila ng ama ng kasintahan.

Sabi ni Aljur tungkol kay Robin, “Dami niyang nasabing magaganda.

"Pero yung maibabahagi ko lang ay sinabi ko sa kanya, yung mga nangyari, yung love story namin ni Kylie, kaya siguro naging Romeo and Juliet."

Napansin daw ni Aljur ang kakaibang saya ni Kylie noong gabing iyon.

“Masayahin si Kylie, pero nung gabing yun, dun ko lang nakita yung ganung klaseng saya, e, yung relief.”

Marami raw silang napag-usapan ni Robin at humingi sila ng kapatawaran sa isa’t isa.

Saad ng Asintado actor, “Opo. Humingi po siya ng paumanhin sa mga nangyari dati na kung bakit hindi niya kami masuportahan.

"At naintindihan namin kung bakit.

“Ang maibabahagi ko lang, ang sabi ko, ‘Pasensiya na, Tito Robin, na ngayon lang nangyari ito.’

“Para ngang ang nangyari sa amin ni Tito Robin… para kaming magkaibigan na nagkuwentuhan.

“Pati siya, may payo siya bilang isang ama. Kung sino si Kylie sa kanya.

“Yung paano niya tingnan si Kylie, nakita ko, kung gaano niya kamahal yung anak niya.”

Napag-usapan na rin daw ang pagpapakasal nila, ngunit hanggang ngayon ay plano pa lamang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN