Fire-stricken talent manager Lito de Guzman appeals to former wards for help

IMAGE Courtesy: Olit Namzuged on Facebook

Talent manager Lito de Guzman took to Facebook last Friday night, February 23, to appeal for help after his house in Imus, Cavite was razed by a two-hour fire. He called on his former wards for help.

 


“Lorddddd plsssss bakittttt,, bakittt gravehhh mabaitt naman ako di naman ako selfish bakit laging sa akin.”

Ito ang tila humahagulgol na Facebook post ng dating kontrobersiyal na talent manager na si Lito de Guzman sa Facebook kagabi, February 23, habang tinutupok ng apoy ang naipundar niyang bahay sa Imus, Cavite.

Mga alas-9 ng gabi nagsimula ang sunog sa bahay ni Lito at naapula ito pagkatapos ng halos dalawang oras.

Base sa kanyang post, kapabayaan daw ng kasambahay ang sanhi ng sunog.

Nanawagan si Lito ngayon sa mga dati niyang alaga at mga kaibigan para sa anumang tulong na maari nilang ibigay sa kanya ngayong walang-wala siya.
Saad niya. "Nag susumamo ako sa mga kaibigan ko, na abot ng makakaya nyo lang na rescue na makagaan gaan sa panglutas ng bigat kung paano ulit makabangon na biglaan, Banjo Pilar Toto TanRicky Quiroz Gloria Franco Quiroz Bella Francisco Suiluj Mendoza (Tanky blue) Wonder Pink Yuki Clyde Mixx Espi Maria Cecilia Magmayo, Gelai Hernandez Jojit De Nero Nathz Dolorfino-GamboaAzenith Briones Reyes Margie Ong Alex Ocampo Jovie ParungaoRaquel Malangen ryan hotgirls and batchmates pls help mga anak ko Ramona Revilla Ynez Veneracion Sheryl Manalo Geraldine BartlesonVictoria Santos Dedicatoria N Ayalexi wonder Franco Gray NeronaJojo Rezano Amper Rhea Malonzo lahat kayo minahal ko nuon at ngayon party ng buhay ko wag nyo po akong iwanan sa gitna kagipitan ko no commitments no amount prayers or any help will do, god bless, si god na bahala sa inyo lahat Bobet Alcordo Cecille Gopela GomezAngie Gumabao Aurora D'bayan pls help and support will do po, pasenya na kayo.”

Si Lito ang dating manager nina Ynez Veneracion, Rita Magdalena, Hazel Espinosa, at Ramona Revilla, na kilalang sexy stars noong 1990s hanggang early 2000.

Siya rin ang nagpasikat ng mga grupong Baywalk Bodies at Wonder Gays.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN