Daniel Matsunaga spends V-Day in Poland with girlfriend Karolina Pisarek

IMAGE Daniel Matsunaga Instagram page

On his Instagram account, Daniel Matsunaga recounted his recent Valentine's Day winter adventures in Poland with his girlfriend Karolina Pisarek.


Sa bansang Poland pala nag-celebrate ng Valentine’s Day ang Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga kasama ang kanyang Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek.

Nag-enjoy sa kanyang winter wonderland Valentine’s Day vacation si Daniel dahil pinasyal siya ni Karolina sa mga sikat na tourist destinations ng Poland.

Iyon din ang pagkakataon ni Daniel para makilala ang mga magulang ni Karolina na pinost niya sa Instagram na may caption na “Finally ♥♥♥.”

Unang bumisita sa Pilipinas si Karolina at pinasyal siya ni Daniel sa ilang mga magagandang lugar sa bansa.

Kaya noong nakaraang Valentine’s Day ay lumipad naman si Daniel for Poland para makasama ang girlfriend at ang pamilya nito.

Nagtagal si Daniel sa Poland at dinala siya ni Karolina sa Zakopane, isa sa sikat na ski resorts sa Poland.

Heto ang caption ni Daniel sa photo nila ni Karolina:

Sa mga post nilang pics at videos sa Instagram, makikita kung gaano sila ka-sweet at kung gaano kainit ang pagmamahalan nila kahit na sobrang lamig ng snow.

Heto ang pinost ni Daniel sa kanyang IG noong nakaraang February 14:

Sa isang video naman na pinost ni Karolina, heto ang caption niya:

Makikitang masayang naglalaro sa snow ang dalawa. Nag-snowboarding at nag-snowball fight pa sila.

At siyempre, hindi mawawala ang paggawa nila ng snow angels.

Sa isa pang post ni Daniel, makikitang nag-kiss sila ni Karolina habang nasa bridge sila na malapit sa Warsaw Chopin Airport.

Nang pauwi na si Daniel pabalik ng Pilipinas, ito ang naging caption niya:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN