Marco Gumabao reacts to basher's illegal-viewing accusation

IMAGE Noel Orsal

Marco Gumabao deftly parried a Twitter basher who accused him of patronizing illegal streaming sites simply because he asked what site has the best high-definition video of the movie The Greatest Showman. He retorted, "Illegal viewing ba agad? Tinanong ko lang kung saan site meron. Did I say papanuorin ko? Hahaha malay mo-ireport ko pa site na yun e."


Tila naisahan ni Marco Gumabao ang isang Twitter basher na inakusahan siyang gumagamit ng mga streaming sites para manood ng mga pelikula.

Nagtanong kasi si Marco sa kanyang mga Twitter followers kung saan makakapanood ng high-definition video ng sikat na pelikulang The Greatest Showman.

Sabi ni Marco sa kanyang tweet ngayong hapon ng Sabado, February 24, “What site has HD of Greatest Showman?”


Dito ay sumagot ang isang may handle name na @FresnoPatrick na tinatangkilik daw pala ng actor-model ang mga illegal streaming sites.

Kaagad naman siyang sinagot ni Marco na bumuwelta ng, “Illegal viewing ba agad?

“Tinanong ko lang kung saan site meron.

“Did I say papanuorin ko? Hahaha malay mo-ireport ko pa site na yun e.”


Natawa naman ang ilang followers ni Marco na tila naisahan daw niya ang nasabing basher.

Burado na ngayon ang palitan ng tweets ng nasabing Twitter user at ni Marco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN