Kathryn Bernardo will only wear two-piece bikini if Daniel Padilla approves

IMAGE Noel Orsal

Can Kathryn Bernardo (right) get away with wearing daring two-piece swimsuits? She says, "Basta may permit ni Mr. Padilla kung bagay ba sa akin."


May plano na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ngayong matatapos na ang kanilang fantaserye sa ABS-CBN, ang La Luna Sangre.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daniel sa nakaraang thanksgiving presscon para sa nasabing drama-suspense soap nila na ginanap sa 9501 Resto sa ELJ Building ng ABS-CBN noong nakaraang Martes, Feb. 20, sinabi nitong mag-aabroad daw sila ni Kathryn.

Pahayag ng Teen King, “After La Luna, may show kami sa Amerika.

“So, one na yun. Siyempre show, siyempre may bakasyon din at the same time.

“Pangalawa, pag-uwi ko, malapit na ang birthday ko.

“Plano kong mag-beach. So, that’s the plan.”

Nasorpresa ang netizens nang biglang bumulaga ang bikini photo ni Kathryn kasama si Daniel sa birthday celebration ng aktor noong nakaraang taon sa Boracay.

Pinagpiyestahan ang mga bikini shots ni Kathryn at marami ang nagulat dahil hindi nila inaasahang kaya palang magpa-sexy ng Teen Queen at magsuot ng swimsuit.

OK WITH BIKINI PICS. Dahil nga naging kontrobersyal ang bikini photo ni Kathryn at umani ng maraming comments, tinanong ng PEP.ph si Daniel kung papayagan pa ba niyang magsuot ng bathing suit ang kasintahan?

Mabilis naman nitong sagot, “Pag ako lang kasama.”

Okey lang ba kay Daniel kung mag-post ng bikini photos si Kathryn sa social media?

“Okey lang yun.

“Wag lang masyadong… alam ko ang boundary nun. Pag okey na okey, okey lang yun.

“Pag sobra na, sasabihin ko yun sa kanya.”

Okey lang ba kay Daniel kung mag-two piece bikini si Kathryn?

“Okey lang ang two-piece, pero wag lang... merong ano na masyado 'yan.

“Ayokong masyadong pag-isipan ka nang masama ng iba. Hindi ko kaya.

“'Eto lang, safe ka lang d'yan.

“Elegante pero sexy, why not, di ba?"

DANIEL'S APPROVAL. Kinumpirma ni Kathryn na sa Amerika sila magdaraos ng kanilang Holy Week ni DJ.

Sabi pa ni Kathryn, “Kasi may show, 'tapos dun na rin yung konting bakasyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin si Kathryn kung gaano na siya ka-confident na mag-bathing suit ngayon, mabilis na sumagot ang Kapamilya star.

Lahad niya, “Basta may permit ni Mr. Padilla kung bagay ba sa akin.”

Pinag-usapan ba nila ang tungkol sa pagbi-bathing suit ni Kathryn?

Muli niyang paglinaw, “May approval po muna [ni Daniel].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN