Jake Vargas still misses Kuya Germs's fatherly ways

Jake Vargas admits that he still misses his former manager German "Kuya Germs" Moreno's fatherly ways: "Yung pagiging tatay niya talaga sa 'kin, yun yung nakaka-miss."


Naging emosyunal si Jake Vargas nang mapag-usapan ang kanyang mga di malilimutang alaala kasama ang yumaong tatay-tatayan na si German “Kuya Germs” Moreno.

Malaki daw kasi ang nabago sa kanyang career simula nang mawala ang tinaguriang Master Showman sa kanyang tabi bilang kanyang manager at mentor.

Sumakabilang-buhay si Kuya Germs noong January 8, 2016.

Kuwento nga ni Jake nang mag-guest ito sa radio program na Walang Siyesta ng DZBB 594 kamakailan, "Napakalaki ng pagbabago sa career ko simula nang mawala si Tatay Germs.

"Dati kasi sunud-sunod ang show ko, halos hindi ako nagpapahinga, kasama na diyan yung mga mall shows ko at provincial shows.

"May teleserye ako, may Walang Tulugan, Party Pilipinas at Pepito Manaloto.

"Si Tatay Germs lahat ang nag-aayos nun, pero ngayon nung nawala siya medyo nag-iba na.

“Hindi na katulad ng dati. Minsan meron, minsan wala.

“Masuwerte na lang ako kasi may Pepito Manaloto pa ako.

"And thankful ako sa GMA Artist Center dahil binibigyan nila ako ng guestings at shows sa labas.

“Alam ko naman kasi na di ako pababayaan ng GMA-7."

MISSING KUYA GERMS' FATHERLY WAYS. Ayon sa aktor, hindi niya makakalimutan ang mga mabubuting ginawa at pag-alaga sa kanya ng Master Showman at sa lagi nitong pag-alala sa kanya kapag siya ay may guestings at bagong projects.

Saad niya, “Yung pagiging tatay niya talaga sa 'kin, yun yung nakaka-miss.”

Hindi lang daw ang kanyang career ang nagkaroon ng malaking pagbabago, kundi maging personal na buhay niya rin.

Kuwento pa niya, "Siya kasi ang nag-aayos ng mga bayarin ko noon.

“Siya yung nag-aayos ng savings ko na ngayon ay ako na.

"Mahirap pala yung ginagawa ni Tatay Germs, ngayon na subukan ko na kasi ako na lahat ang gumagawa nun.

"Tinuturuan niya rin ako mag-save para sa future at para mabili ko yung mga gusto kong bilhin like kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anong meron ako ngayon, yun ay dahil sa turo ni Tatay Germs, kaya very thankful talaga ako sa kanya.

"Ngayon kasi ako na lahat, ako na yung magsasariling-sikap para sa future ko.

"Minsan nga naiisip ko sana buhay pa si Tatay Germs, sana nandito pa siya.

“Alam ko naman na iga-guide ako ni Tatay Germs sa career ko at personal kong buhay.”

Umaasa nga si Jake na mabibigyan siya ulit ng bagong teleserye at dumami pa ang proyektong dumating sa kanya lalo na't may mga binabayaran pa siya gaya ng condo niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN