Isabelle de Leon and Jiro Manio reenact Magnifico poster

IMAGE @isabelledeleontv on Instagram

Former child stars Isabelle de Leon and Jiro Manio, who starred in the 2003 movie Magnifico directed by Maryo J. delos Reyes, recently reenacted their pose from the movie's old poster—with a slight twist. They said they did the throwback photo to fulfill the late director's wish.


Maraming netizens ang natuwa nang i-reenact ng former child stars na sina Jiro Manio at Isabelle de Leon ang poster ng 2003 film na Magnifico, na pinagbidahan nilang dalawa.

Ito ay idinirihe ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes, na pumanaw nitong nakaraang January 27, 2018.

Sa original poster, si Jiro ang pumapasan kay Isabelle na may pisikal na kapansanan.

Pero sa recreation nila ng poster, si Isabelle na ang pumapasan sa kanyang Kuya Jiro.

Heto ang pinost ni Isabelle sa kanyang Instagram account noong February 19:

FULFILLING DIREK MARYO'S WISH. Tinupad lang daw nila Isabelle ang hiling ni Direk Maryo J. na magkaroon sila ng reunion ni Jiro.

Muli kasing nagkita sina Jiro at Isabelle sa burol ni Direk Maryo.

Ang huling pagkikita raw nila Isabelle at Jiro ay noon pang mga bata pa sila.

“Pangarap ni Direk Maryo na magkita kami ulit, so after all those years ang tagal-tagal na hindi kami nagkita, huling kita namin mga bata pa kami.

“Ngayong mga dalaga’t binata na kami, we were able to catch up,” pahayag ni Isabelle sa naging interview niya sa news program na Balitanghali noong nakaraang February 22.

Aktibo pa rin si Isabelle sa showbiz.

Lumalabas siya sa mga teleserye ng TV5, ABS-CBN at GMA-7.

Gumawa rin siya ng ilang indie films at may nilabas din itong album na LoveZone noong 2013.

Samantala, si Jiro naman ay dumaan sa ilang personal na pagsubok sa buhay kaya pansamantalang hindi muna ito tumatanggap ng mga trabaho sa showbiz.

Pero base sa naging pag-uusap nina Isabelle at Jiro, handa na raw bumalik sa showbiz ang former award-winning child actor.

“Ready na ready na siya. Nagwu-work out siya, handa na siya para sumabak ulit sa trabaho.

“Ini-encourage ko siya.

“Sabi ko, ‘Kuya Jiro, ang daming naghihintay sa 'yo, nandito kaming lahat na naghihintay sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman ng mga taong mabigyan ng second chance, grateful 'yan, e and they’ll do their best,” paninigurado ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN