Mark Bautista admits to being a victim of sexual abuse

IMAGE @iammarkbautista on Instagram

Mark Bautista recalls his sexual abuse experience during his interview for Kapuso Mo, Jessica Soho which aired on GMA-7 last Sunday, February 25. The sexual abuse incident was just one of many topics that Mark revealed in his autobiography, Beyond The Mark.


Sa unang pagkakataon, nagbigay ng pahayag ang singer-theater actor na si Mark Bautista matapos lumabas ang kanyang autobiography na pinamagatang Beyond The Mark.

Ni-launch ang kanyang libro noong February 14.

Eksklusibong nakapanayam ng GMA-7 broadcast journalist na si Jessica Soho si Mark noong nakaraang Huwebes, February 22, at dito ay tinalakay nila ang ilang detalye tungkol sa kanyang libro.

Nitong nakaraang Linggo ng gabi, February 25, ipinalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanilang naging panayam. 

SEXUAL ABUSE. Isa sa mga importanteng ibinahagi ni Mark sa kanyang libro ay ang muntikan nang sexual abuse na natamo nito mula sa kanyang "distant cousin" noong anim o pitong taong gulang pa lang siya.

Kuwento ng Viva talent, "I would consider it more of an assault. 

"For the longest time, never ko 'yan napag-usapan even sa family ko, even sa mga kaibigan ko.

"May pressure, naging aggressive yung distant cousin ko.

"In-expose niya yung sarili niya sa akin, parang pinipilit niya ako to do a sexual act.

"Ganun yung nangyari, pero natakasan ko yun.

"Pero ang daming tanong sa isip ko, but I think sa edad ko rin na yun, hindi pa ganun kalalim yung pag-intindi ko sa mga ganun bagay.

"So, parang kinalimutan ko na lang siya."

Ang bahaging ito ay binigyang pansin ni Jessica upang mabigyan din ng kaukulang atensiyon ang isyu ng child molestation sa bansa.

Payo naman ni Mark, "Pag nakakakita ako ng bata na naglalaro sa lansangan, or alam kong parang napapabayaan ng parents... parang natu-trauma ako, I don't know.

"Sabi ko, just be careful with the people that surround your kid.

"Kilalanin siguro yung mga taong pumapaligid sa mga anak niyo, kasi minsan it's beyond the parents' control or the kid's control.

"Talagang nasa tao iyan na dapat sana intindihin niyo yung effect niyan sa bata."

Tinanong din ni Jessica si Mark kung ang karanasan niyang ito ang humubog sa kanyang personalidad ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng singer, "I would like to believe na hindi, pero major part siya sa nangyayari ng buhay ko.

"Kasi bata ako and sobrang innocent ng isip mo, and may bahid na ganun as you grow up."

NOT HIS STORY TO TELL. Samantala, nilinaw rin ni Mark na wala siyang nais sagasaan sa ilang rebelasyon niya sa libro.

Sa pagpasok ng buwang kasalukuyan, naging maugong ang usap-usapan tungkol sa isang bahagi ng libro ni Mark kunsaan ikinuwento nito ang intimate relationship niya sa isang kaibigang aktor.

Paglinaw ng singer, "First of all, wala akong idinetalye nang sobra sa book.

"I have to, like, tap on those experiences, my past experiences. Dahil those experiences made me who I am today."

Nagpapasalamat naman si Mark dahil hindi niya inaasahang malaki ang magiging impluwensiya ng kanyang autobiography.

Aniya, "Nasu-suprise pa din ako sa ibang nagme-message sa akin, especially sa Instagram.

"Nung una kong isinulat yung book, hindi ko i-expect na ito yung magiging impact sa ibang tao."

Diin pa niya, "It's not my intention to out anyone.

"You have to respect each other's journey and being silent can also be authentic.

"If you're silent, then there's nothing wrong with that, so I respect that.

"Sana respetuhin din ng mga tao. Ito yung nature ko, e.

"Gusto ko lang na... hindi ako kumportable pag masyado akong maraming walls.

"Nakikita ko na parang ang dami palang tao na dumadaan sa same story nung sa akin.

"So, in one way or the other, baka nakatulong din ako sa kanila."

THE REAL MARK. Ayon kay Mark, isa sa mga sa mga nag-motivate sa kanya upang ilathala ang autobiography niya ay ang pagnanais na makilala ng lahat ang kanyang tunay na pagkatao.

Pahayag niya, "I think, telling people about my struggle [was one of the main reasons for writing the book] and part na nun yung pag-come out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That time, sobrang naibuhos ko lang yung gustong sabihin at nararamdaman ng puso ko."

Sa isang bahagi ng kanilang interview, muling nilinaw ni Mark ang kanyang sexual orientation.

Aniya, "I love both sexes, yeah. Bisexual."

Dagdag pa ni Mark, "Sinabi ko naman sa book na if God will give me the right person na para sa akin, then I will embrace that."

Sa puntong ito, tinanong ni Jessica kung nais pa rin ba niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Sagot ng 34-year-old singer, "I want to have kids, I want to have a family kung mabigyan ng pagkakataon. Di ba, ang sarap nun?"

BEYOND THE MARK. Dito na ikinuwento ni Mark kung paano at kailan siya nagkaroon ng ideya para isulat ang kanyang autobiography.

Nagsimula ang lahat nang ma-realize niyang tila hindi niya nagagampanan nang maayos ang kanyang karakter sa stage musical na Here Lies Love.

Taong 2014 nang mapabilang si Mark sa cast ng West End production ng Here Lies Love sa London at gumanap siya bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nais ni Mark na maging mas kumportable siya sa sarili nang muling i-offer sa kanya ang nasabing role noong 2017 para naman sa theater production na gaganapin sa Seattle, Washington.

Kuwento nito, "Nag-decide ako na gawin 'to [the book] nung in-offer sa akin yung Seattle, Washington na show na Here Lies Love. 

"Dun ako nag-decide na parang, 'Okay, dito sa trabaho na 'to, gusto ko maging mas open ako sa castmates ko.'

"Kasi naramdaman ko nung nag-London ako na ang dami ko pa ring walls. 

"This is is the perfect time na mas maging relaxed ako sa environment ko."

Dagdag pa ni Mark, "My heart was just so passionate about freedom, and feeling ko yung soul ko was screaming for a whole new nourishment.

"'Tapos, parang na-attract na ako sa kasama ko sa show. Nag-align lang talaga siya lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And dun ako nagsabi na, 'Okay, kailangan bago ako bumalik ng Pinas, or if ever bibigyan na ulit ako ng trabaho, gusto ko na medyo buo na ako o relaxed na ako sa sarili ko.'"

Hindi rin daw tumanggap si Mark ng proyekto nang makabalik ito sa bansa hanggang hindi pa niya nailalabas ang kanyang libro.

Lahad niya, "Nung dumating nga ako, Viva was offering me shows na parang drama series. 

"Sabi ko, 'Wag muna, ayoko muna tumanggap ng trabaho hangga't di ko nalalabas yung book.'

"Kasi parang hindi pa rin ako kumportable hangga't hindi ko nasasabi sa mga tao na ito yung mga pinagdaanan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN