Regine Velasquez reacts to fans who do not believe that she's losing her stardom

IMAGE Rachelle Siazon

Regine Velasquez thanks fans' solid support "kahit hindi na masyadong perfect minsan ang boses ko."


Aminado si Regine Velasquez, 47, na marami sa solid fans niya ang nagkaroon ng “violent reactions” sa kanyang pahayag na tanggap na niyang pababa na ang kanyang celebrity status.

Kaugnay ito ng mga nasabi niya sa presscon bago ang pre-Valentine concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Erik Santos sa MOA Arena.

Tungkol sa mga masugid niyang tagasuporta, natatawang pahayag ni Regine, "Ewan ko sa kanila! Mga adik sila!"

Pero seryoso niyang dagdag, “It’s nice to know that the people who listen to me before actually grew up with me. That’s why ganun sila ka-solid.

“They saw me grew up. They saw me from how I started to how I am now.

"Maganda yung ganun, hindi ka talaga nila iniiwan. They become part of your career.

“That’s why whenever I do concerts now, I feel very blessed.

"I am humbled by the gesture that these people are continuously supporting my career."

Na-appreciate daw ni Regine na sa loob ng 31 taon niya sa industriya ay tanggap ng fans maging ang kanyang imperfections bilang isang performer.

“Natutuwa lang ako na may mga taong interesado to hear me sing kahit na hindi na masyadong perfect minsan ang boses ko.

“May interesado pa rin to see me, buy my recordings.

"People are still encouraging me to do movies.

"I’m flattered and I feel very blessed that I still have those people.

“Pero sa akin, personally, ito yung bread and butter ko.

"Hindi ko na masyadong inaalam yung part ng fame.

"Ang dami ko nang iniisip. Ang hirap na isipin kung sikat ka!” bulalas niya.

JUST BLESSED. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Regine sa presscon ng GMA-7 regional tour, na ginanap sa Forest House, Baguio City, noong Sabado, February 24.

Dito ay inulit ni Regine na hindi niya pinag-aaksayahan ng panahong isipin kung laos na ba siya o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Praktikal naman ako. I don’t wanna be like that.

"Kasi nung nag-umpisa rin naman ako… First of all, hindi naman ako masyadong sure kung sumikat ako.

“Bakit mo naman iisipin yun habang naglalakad ka sa EDSA? ‘Sikat na ako, my gosh!’

"Habang nagpa-parking ka sa Rustans, ‘My gosh, I’m so sikat!’

“Hindi ka naman ganun mag-isip, di ba? Or, at least ako, hindi ko ganun iniisip.

"Sa akin, nagtatrabaho lang ako.

“I was just so blessed that I was given this wonderful talent.

"I was able to help my family and I happen to like it also.

"I happen to love singing."

Dagdag ni Regine, “Sabi nga ni Martin, once inisip mo na sikat ka na, yun na yung start ng downfall mo.

"So ako, hindi ako sigurado kung sumikat ba ako, so okey na ako dun."


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez on losing stardom:
Regine Velasquez on losing stardom: "Accepted ko na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN