Angelica Panganiban to ex-boyfriend Carlo Aquino on heartbreak: "Nakaka-panic talaga 'yan."

IMAGE ABS-CBN PR Instagram

Angelica Panganiban is one of the first persons Carlo Aquino runs to after a breakup. She told him: "Iba't ibang rollercoaster of emotions yung puwede mung maramdaman. Puwede kang ma-excite, puwede kang ma-lonely. Enjoy-in mo lang."


Nagulat si Angelica Panganiban sa pagsipot ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino sa launching ng librong Para Kay Ex, na ginanap sa National Bookstore Trinoma noong Sabado, February 24, 

Ang aktres ang nagsulat ng foreword ng nasabing libro na naglalaman ng hugot lines.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angelica, pabiro niyang sinabing nagpapasalamat siya dahil isa sa mga ex niya ang rumespeto at nagbigay ng suporta sa kanya.

Saad niya, “Hindi ko kasi alam na seseryosohin, akala ko talaga usapang barbero yung sasama siya.

“Ang tagal na nun, two weeks ago na yun.

“Nagpapasalamat ako dahil isa sa mga ex ko nirespeto ako, pinuntahan ako dito.

“Kasi yung dalawa [kong ex], parang nanggigigil yata siguro at this very moment, ‘Parang tanga si Angge, bakit niya ginawa ‘yan?’” 

LET IT BE. Sa presscon proper ay nabanggit ni Angelica na makukumpara niya sa isang astronaut si Carlo dahil “space” ang hiningi nito kung bakit nakipaghiwalay sa kanya dati.

“Parang yun yata yun, space yata yun. Hindi ko na maalala kasi ang tagal na, e,” sabi ng 31-year-old actress.

Sa hiwalay na panayam kay Carlo, 32, sinabi nitong hindi siya nagsasarado ng pinto sa posibilidad na magkabalikan sila ng ex-girlfriend.

Ganun din naman ang pananaw ni Angelica.

Biro pa nga ng Kapamilya actress, “Kami na uli, hindi ninyo ba alam? Para maiba.”

Pero seryoso niyang dagdag, “Parang fifteen years ago na yun, mas matagal na kaming naging magkaibigan kaysa magkarelasyon kami.

“Iba talaga yung level ng friendship.

“And ganito din naman yung ibang mga kaibigan sa akin, like sila Ketchup [Eusebio].

“Nagkataon lang talaga na siguro na ex ko siya, talagang may meaning.”

Sabi pa niya tungkol sa posibilidad na magkabalikan sila, “Hindi ko alam, e, pero hindi, hindi naman [isinasara].

“Sabi ko nga, mahirap lagyan ng limit ang mga bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap kasi pag tinatanggi mo nang tinatanggi, e, baka mamaya iba ang maging balik sa iyo.

“Tingin ko, hayaan mo lang ang mga bagay-bagay.”

ADVICE FOR CARLO. Nang matapos ang relasyon ni Carlo sa huling naging girlfriend nito, sinabi ng aktor na isa si Angelica sa kinausap niya tungkol dito.

Nagbigay naman ng advice ang ex-girlfriend sa pinagdaanan ni Carlo.

Ayon kay Angelica, “Wala, i-enjoy niya, ang tagal niya kasing in a relationship.

“Mag-relax siya kasi nakaka-panic talaga ‘yan.

“Puwede kang ma-excite, puwede kang ma-lonely.

“Sabi ko, iba’t ibang rollercoaster of emotions yung puwede niyang maramdaman.

“Sabi ko, ‘Enjoy-in mo lang.’”

Kasabay ng pagiging malapit ulit nina Angelica ay Carlo ay ang pagiging aktibo muli ng kanilang mga tagahanga.

Hindi ba nape-pressure si Angelica sa panunukso at pambubuyo ng iba, lalo na ng mga tagahanga nila, na magkabalikan sila ng ex-boyfriend?

Tugon niya, “Napi-pressure? Ewan ko, siya yata napi-pressure.

“Parang pag may nang-aaway sa kanya, nagkukuwento siya.

“Natatawa lang ako pag naaapektuhan si Caloy.”

REUNION PROJECT. Tinanong din namin si Angelica sa balitang may isang proyekto raw na inihahanda na pagsasamahan nila muli ni Carlo.

“Yes, malapit na, ipapalabas na nga, e. Excited?” biro na naman ng aktres.

“Oo naman, siya kasi yung mga unang nakatrabaho ko nang matagalan kaya ibang energy din naman yun nung bata pa kayo, di ba?

“Iba pa yung mga pinaggagawa ninyo, iba pa yung mga pinag-aarte ninyo.

“Ngayon, para makatrabaho mo siya ng ibang level na, ng ibang lalim na, nakaka-excite yun.”

Sabi pa ni Angelica tungkol kay Carlo, “Walang nagbago naman diyan, mahiyain pa din.

“Laging gustong mag-isa, pa-lonely, ganun.  

“Naku, walang pinagbago si Carlo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN