Dani Barretto bats for Joshua Garcia as sister Julia's boyfriend: "It's not hard to like him."

IMAGE Dani Barretto Instagram

As an older sibling, Dani Barretto gives both her sister Julia and her boyfriend Joshua Garcia a talking-to: "Kailangan may personal space pa rin kayo, and respect each other. I think that's a main component in every relationship—respect and trust."


Boto si Dani Barretto kay Joshua Garcia bilang boyfriend ng kanyang kapatid sa ina na si Julia Barretto.

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa dating nobyong si Kier Legaspi, habang si Julia ay anak ng aktres sa dati nitong asawa na si Dennis Padilla.

Noong una raw ay medyo natakot si Dani sa pagkakaroon ng relasyon ni Julia sa kapwa-artista.

Paliwanag ng lifestyle blogger at bar owner, “I think when you’re the eldest and you’re the ate, you’re always scared who your younger siblings date.

“But it’s the fear that you don’t say out loud.

"But then, it was easy for me to be comfortable with Joshua.

“He’s very maalaga with Julia, he’s protective, he’s magalang to my mom [Marjorie Barretto], he’s nice to us.

“Parang pati kami rin, niligawan niya, he’s very polite; it’s not hard to like him.”

Inisa-isa ni Dani ang paraan ng panliligaw ni Joshua kay Julia at sa pamilya nila bago naging magkasintahan ang kapatid at ang aktor.

Sabi pa ni Dani, “He’s very traditional, he goes to the house, he bonds with us.  

“Well, hindi ko naabutan na nagluluto, pero I heard napaglutuan na niya yung pamilya ko.

“He went on a trip with us for the New Year, he watches with us sa movie, he eats food with us. 

“Yung mga ganyan na effort na hindi lang sa kapatid ko, kundi pati sa amin.”

Ang tinutukoy na trip ni Dani ay ang Japan holiday vacation nilang pamilya kasama si Joshua.

Sa Japan daw talaga naobserbahan at nakilala nang husto ni Dani si Joshua.

Patuloy pa niya, “I believe na makikilala mo ang isang tao pag matagal mo siyang nakasama. 

"It was fun, it was his first time to see snow and to go to Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it was nice na kami yung naka-introduce nun sa kanya, and nag-enjoy naman kami with him. 

“Kuwela yun, masayang kasama yun, hindi rin naman siya naging hassle.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dani sa pinakahuling public event ng pelikulang Meet Me In St. Gallen sa Trinoma Cinema.

SHY SUITOR. Noong una niyang nakilala at nakasama si Joshua, ramdam daw ni Dani ang pagkamahiyain ng young actor

“Tahimik siya,” pagsasalarawan nito sa young actor.

“Parang kailangan niyang kakapain ka muna niya bago siya mag-ingay. Tahimik talaga yun."

Kuwento pa ni Dani, "Una ko siyang nakilala sa premire night ng Vince and Kath and James [2016].

“After nung premiere night, nagkaroon ng mini get-together sa bahay namin, doon ko siya unang nakausap.

“Casual pa lang naman nong panahong yun, but he was very vocal about his feelings for Julia. 

“That he likes my sister, na gusto niyang ligawan.

“He was never secretive, open naman siya about his feelings.”

Inamin ni Dani na kinausap niya si Joshua para ingatan si Julia.

“I gave him the talk long time ago, I told him na ang daming pinagdaanan ng kapatid ko. 

“‘Alam kong alam mo 'yan, so alagaan mo ‘yan dahil kung hindi, madami-dami kami dito.”

NO FEAR. Wala rin daw siyang takot na sa closeness nina Joshua at Julia ay baka mabuntis ang kapatid.

Paniniguro ni Dani, “Hay, naku, masyado silang… it will never happen, honestly.

“They know their responsibilities, alam naman nila yung responsibilities nila.

“My mom has boundaries, my mom is not that lenient. 

“Meron pa ring restrictions ang nanay ko, even with me na mas matanda.

“Ano pa kaya kay Julia? So, hindi mangyayari yun.”

Sabi pa ni Dani, “I always tell her before pa, it’s okay to give your all to someone.

“But you also have to leave some for yourself. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s say hindi kayo mag-work out at naibigay mo ang lahat at walang natira sa you, you’ll feel really broken.

“Sabi ko, it’s good to make time for yourself as well. 

“Hindi naman lahat ng bagay na ginagawa mo, kailangan kasama siya. 

“Kailangan may personal space pa rin kayo, and respect each other. 

“I think that’s a main component in every relationship—respect and trust.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN