Kris Aquino laments "embarrassing lies" about late mom President Cory Aquino

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino

Kris Aquino slams purveyors of fake news about her late mom, former President Corazon "Cory" Aquino, "[Y]ung putik na pilit nyong ginagamit para yurakan ang pagkatao nya ay kailanman hindi didikit dahil kasinungalingan ang pinanggagalingan."


Inalmahan ni Kris Aquino ang aniya'y pilit pagbabago ng kasaysayan, partikular na sa mga nagawa ng kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, February 26, tinuligsa ng TV host/actress/social media influencer ang mga nagpapakalat ng “fake news” para pagtakpanang naganap sa panahon ng diktadura sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pahayag ni Kris, “So much of our history is trying to be rewritten & erased by those paying their trolls & fake news purveyors to whitewash their culpability for the killings & suffering they inflicted on our country during the years before our democracy from the dictatorship in 1986.”

Dagdag pa niya, “I know our family is not perfect- but the woman standing beside me in this picture who is peacefully in heaven deserves her daughter to stand up for her legacy.”

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Kris ang larawan niya kasama ang yumaong ina, na kuha nang ma-feature ang dating Pangulo sa ika-80 anibersaryo ng TIME magazine noong 2006.

Ani Kris, “Cory Aquino is the only Filipino to hold the distinct honor of having been chosen as Woman of the Year in 1986.

“[T]o quote TIME, 'Whatever else happens in her rule, Aquino has already given her country a bright, and inviolate, memory.

"More important, she has also resuscitated its sense of identity and pride.'”

Dagdag pa niya, “Paraphrasing portions of bustle.com—It is noteworthy that apart from my Mom, in the 91 Man, Woman, or Persons of the Year issues—Time has only awarded the title to an INDIVIDUAL woman 3 other times, Wallis Simpson in 1936, Queen Elizabeth II in 1952, and German Chancellor Angela Merkel in 2015.”

Si Cory Aquino ay naging Presidente ng Pilipinas pagkatapos ng matagumpay at mapayapang EDSA People Power Revolution noong 1986, na nagpatalsik sa pamilya Marcos pagkatapos ng dalawang dekadang panunungkulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon, February 25, ginunita ang ika-32 anibersaryo ng EDSA 1.

EMBARRASSING LIE. Patuloy ni Kris sa kanyang post, “YES—we live in a democracy, a large part of that is thanks to her.

“Kaya malaya kayong sabihin ang lahat ng paninirang gusto nyong itapon sa aming pagkatao.

“Pero hindi ako naging dugo at laman ng babaeng ito kung hindi ko sya ipagtatanggol at ipamumukha sa mga walang respeto sa sumakabilang buhay na.”

Diin pa niya tungkol sa mga maling impormasyong ipinagkakalat tungkol sa kanyang ina, “[Y]ung putik na pilit nyong ginagamit para yurakan ang pagkatao nya ay kailanman hindi didikit dahil kasinungalingan ang pinanggagalingan.

“As my Mom taught me so well—a lie no matter how beautifully produced will remain just that—an embarrassing lie.

“But the TRUTH will stand strong through the test of history.”

So much of our history is trying to be rewritten & erased by those paying their trolls & fake news purveyors to whitewash their culpability for the killings & suffering they inflicted on our country during the years before our democracy from the dictatorship in 1986. I know our family is not perfect- but the woman standing beside me in this picture who is peacefully in heaven deserves her daughter to stand up for her legacy. I chose this picture taken during Time Magazine’s 80th anniversary celebration in 2006, commemorating when they first started awarding Persons of the Year because it is something that brings back so many happy & hopeful memories. I was in the early part of my 2nd trimester carrying Bimb in my tummy, Mom was more than a year away from her cancer diagnosis... Cory Aquino is the only Filipino to hold the distinct honor of having been chosen as Woman of the Year in 1986, to quote TIME “Whatever else happens in her rule, Aquino has already given her country a bright, and inviolate, memory. More important, she has also resuscitated its sense of identity and pride.” Until 1999 this award was either called Man or Woman of the Year. Paraphrasing portions of bustle.com- It is noteworthy that apart from my Mom, in the 91 Man, Woman, or Persons of the Year issues- Time has only awarded the title to an INDIVIDUAL woman 3 other times, Wallis Simpson in 1936, Queen Elizabeth II in 1952, and German Chancellor Angela Merkel in 2015... YES- we live in a democracy, a large part of that is thanks to her. Kaya malaya kayong sabihin ang lahat ng paninirang gusto nyong itapon sa aming pagkatao. Pero hindi ako naging dugo at laman ng babaeng ito kung hindi ko sya ipagtatanggol at ipamumukha sa mga walang respeto sa sumakabilang buhay na, yung putik na pilit nyong ginagamit para yurakan ang pagkatao nya ay kailanman hindi didikit dahil kasinungalingan ang pinanggagalingan. As my Mom taught me so well- a lie no matter how beautifully produced will remain just that- an embarrassing lie. But the TRUTH will stand strong through the test of history. ????????#mymothersdaughter

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN