Philippines wins first-ever Miss Multinational pageant

IMAGE Instagram (@arnold_vegafria)

Philippine candidate Sophia Senoron (center) wins in the first-ever Miss Multinational pageant held in India. Second runner-up is Shefali Sharma of India (left) and first runner-up is Saskia Kuban of Germany.


Inuwi ni Sophia Senoron ng Pilipinas ang kauna-unahang korona ng Miss Multinational beauty pageant.

Ginanap ang grand coronation sa Kingdom of Dreams Theatre sa New Delhi, India, Lunes ng gabi, February 26.

Bukod sa titulo, inuwi rin ng 17-year-old Financial Management student at varsity debater ng San Beda College ang dalawang special awards: Miss Environment at Miss Speech.

Inanunsiyo ni Arnold Vegafria, national director ng Miss Multinational sa Pilipinas, ang magandang balita sa kanyang Instagram account.

Itinanghal namang 2nd runner-up ang host country na India (Shefali Sharma) at 1st runner-up ang Germany (Saskia Kuban).

Labintatlong kandidata mula sa iba't ibang bansa ang naglaban-laban sa pageant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN