Dani Barretto not jealous of half-sister Julia: "Walang reason para mainggit."

IMAGE Dani Barretto Instagram

Blogger Dani Barretto says there is no sibling rivalry among her and her younger siblings Julia and Claudia. Julia is a Kapamilya actress while Claudia is an up and coming singer. Dani told PEP.ph, "Magkaiba naman kami ng ginagawa. Walang reason para mainggit. And we were raised to support each other, hindi mag-inggitan."


Tinuldukan ni Dani Baretto ang posibilidad na sundan niya ang yapak ng kanyang inang si Marjorie Barretto at amang si Kier Legaspi na pasukin na rin ang showbiz at mag-artista.

Bukod dito, ang kapatid niya sa ina na si Julia Barretto ay isa sa pinakasikat na young actress sa Kapamilya network, samantalang ang isa pa niyang kapatid sa ina rin na si Claudia Barretto ay isa namang singer.

“Hindi, e,” sagot ni Dani kung may interes siya sa pag-aartista.

“Kasi kung lahat na sila ganun at iba rin naman yung hilig ko, so gusto ko namang mag-try ng ibang field.

“Yung kapatid ko nag-artista na, mommy at daddy ko nag-artista.

“Yung mga tita ko, lolo sa dad side ko. My ninong.

“Parang it’s nice to do something out of your comfort zone.”

Isang lifestyle blogger si Dani.

Bukod dito, co-investor siya sa Tipsy Pig Gastropub sa BGC, kung saan may share din ang aktres at malapit na kaibigan niyang si Bela Padilla.

Wala raw talagang interes si Dani sa pag-aartista.

“Oo, ewan ko kung bakit?” iiling-iling niyang komento.

“It’s not really my thing, e.

“Mas gusto kong magsulat, I guess, saka behind the scene.

“Hindi naman sa ayaw ma-compare.

“Alam mo sa sarili mo na hindi mo talent at hindi mo kayang gawin.

“So, hindi ko siya naisipang gawin.”

Patuloy niya sa iba pa niyang gawain, “Ang plan ko ngayon, simulan ang clothing line ko.

“Saka meron pa akong gustong gawin na ayaw ko munang sabihin kasi baka maudlot.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dani sa pinakahuling public event ng pelikulang Meet Me In St. Galle, na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Bela Padilla. Ginanap ang event sa Trinoma Cinemas sa Quezon City.

NOT JEALOUS. Bagamat kumikita nang malaki si Julia mula sa kanyang pa-aartista at unti-unti namang lumalaki ang network ni Claudia dahil sa pagkanta, hindi pa rin daw naiinggit si Dani sa achievements ng dalawa niyang younger siblings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi e,” aniya.

“Magkaiba naman kami ng ginagawa. Walang reason para mainggit.

“And we were raised to support each other, hindi mag-inggitan.

“Saka hindi ko rin talaga hilig mag-artista so, hindi talaga ako naiinggit.

“Julia is so generous. She gives money.

"So, there’s no reason for us to compare myself and my siblings.

“Sobrang ibang-iba yung mga ginagawa namin.”

Love you ?? @juliabarretto

A post shared by Danielle (@danibarretto) on

Sa ngayon ay isang young, independent woman si Dani.

Nakabukod na siya at umalis na sa poder ni Marjorie.

“I moved out na. I have my own place, early last year,” sabi pa niya.

Thank you for another fun and memorable trip, Mom! ??

A post shared by Danielle (@danibarretto) on

DANI'S BOYFRIEND. Kung si Julia ay may boyfriend sa katauhan ng Kapamilya young actor na si Joshua Garcia, isang non-showbiz young businessman naman ang kasintahan ngayon ni Dani—si Xavi Panlilio.

Pag-amin ni Dani sa tagal ng relasyon nila ni Xavi, “Ten months pa lang. Dating pa lang kami noon. So, it’s fresh.”

Kuwento pa niya sa kung paano nabuo ang pagtitinginan nila ng kasintahan, “I met him in La Union, by chance talaga.

“May friend lang siya na lumapit sa akin, 'tapos ipinakilala sa akin.

“Hindi ko nga matandaan. Medyo nakainom ako.

"Kasi birthday ni Bela [Padilla] noon sa La Union, nung May last year.

“After nun minessage niya ako, nag-usap kami, 'tapos yun na.

“From there, nag-progress na siya.”

Gaya ni Julia, madalas ring mag-post si Dani ng photos nilang dalawa ng kanyang boyfriend sa Instagram.

Sabi pa niya tungkol sa relasyon nila ni Xavi, “Kasi pag nakahanap ka ng tao na click kayo kaagad at tinatrato ka nang maayos, hindi na mahirap from there.

“When you come from a relationship that was not, and found someone who actually treats you the way you deserve… and he was accepted naman by my family.

“He respects what I do and he respects what my family does.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He respects me and I respect him. His family is very good to me.

“Medyo umokey... parang hindi kami nahirapan.”

Itinanggi ni Dani na nakikipag-live in na siya sa boyfriend.

“Hindi nagli-live in. May sarili kaming life.”

Sinisigurado rin ni Dani na hindi sila magmamadali ng kasintahan at mauwi sa unplanned pregnancy.

Komento niya, “Puwedeng kasal muna?

“Kasal muna. Okey ang flow namin, e.

"Nagligawan kami, naging kami, huwag naman kaming tumalon.

“Kasal muna.”

Sa tanong kung sino ang mas mauunang ikasal sa kanila ni Julia, mabilis na sumagot si Dani.

“Siyempre ako, ako yung mas matanda.”

Anong edad ang ideal marrying age niya?

Sagot ng 24-year-old blogger, “Twenty-nine or 30 siguro. Matagal pa yun. Bata pa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN