Ellen Adarna's brothers and sisters-in-law embrace John Lloyd Cruz as part of their family

IMAGE Courtesy: @kimaraneta on Instagram

Kitang-kita ang saya sa mukha ni John Lloyd Cruz habang kasama ang partner na si Ellen Adarna sa Japan. Masaya rin ang Kapamilya actor na tanggap na siya ng mga kapatid ni Ellen na sina Rico Adarna (left) at Danton Adarna (right). Kasama rin nina John Lloyd at Ellen (gitna) ang mga asawa ng kapatid ng sexy star na sina Louise Tabaquero (second from left) at Kim Araneta (second from right). 


Pamilya na talaga ang turing ng mga kapatid ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Sa kanilang bakasyon sa Japan, kasama nina John Lloyd at Ellen ang dalawang nakakatandang kapatid ng sexy star at kani-kanilang mga asawa.

Ito ay si Rico Adarna at misis nitong si Louise Tabaquero, at si Danton Adarna kasama ang misis niyang si Kim Araneta.

Sa Instagram post ni Kim kahapon, February 26, kasama sa larawang in-upload niya ang asawang si Anton, sina Rico Louise, at sina John Lloyd at Ellen.

Ang inilagay niyang caption ay “Fammm.”

Fammm ??

A post shared by Kim Antonette Araneta-Adarna (@kimaraneta) on

 

Lumipad ang grupo nina John Lloyd at Ellen papuntang Japan noong February 20.

Nakatakda silang bumalik ng Pilipinas ngayong Martes, February 27.


Stories We Are Tracking

John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?
John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?

Kabilang sa activities ng grupo sa Japan ay ang skiing at snowboarding.


Stories We Are Tracking

John Lloyd bonds with Ellen's brother, friends in Japan
John Lloyd bonds with Ellen's brother, friends in Japan

Hanggang ngayon, wala pa ring nagkukumpirma kung may nangyari nga bang civil o church wedding sa pagitan nina John Lloyd at Ellen noong bisperas ng Chinese New Year, February 15.

Marami na ring nakakapansin sa lumalaking tiyan ni Ellen, na nasa ika-anim na buwan na ng kanyang pagdadalantao sa panganay na anak nila ni John Lloyd. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN