Yassi Pressman recounts meeting half-sister in Italy

IMAGE Yassi Pressman Instagram

Yassi Pressman recalls how she felt upon meeting her half-sister, Cara, after only communicating online and looking at her pictures for more than two decades. "Lukso ng dugo? Totoo pala yun. Sinundo niya kami ng sister ko kasi kasama ko yung kapatid ko. Binuksan niya yung door, iba yung feeling."


Napatunayan ni Yassi Pressman na totoo pala ang "lukso ng dugo" nang magtagpo sila ng kanyang half-sister na si Cara sa Italy noong Disyembre 2017.

Ayon sa Kapamilya actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, ito ang naramdaman niya nang personal niyang makita ang kanyang half-sister na sa mga larawan lang niya nakikita noon sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Lahad ni Yassi, “Nung December, na-meet ko yung isang half-sister ko sa Italy.

“Galing siya ng London. For [Ang] Probinsyano ang show namin dun.

“Masaya, matagal ko na siyang nakikita sa pictures.

"Sa 22 years, ngayon pa lang [kami nagkita in person].

"May communication kami, minsan sa e-mails."

Patuloy niya, “Lukso ng dugo? Totoo pala yun.

“Sinundo niya kami ng sister ko, kasi kasama ko yung kapatid ko.

“Binuksan niya yung door, iba yung feeling.

“Pag-akyat pa lang, tumawag yung maid, may bisita daw sa baba.

“Ang liit ng space, 'tapos tumatakbo kami ng kapatid ko, hindi namin alam kung ano ang gagawin.”

Ayon kay Yassi, malaki ang hawig ng kanyang half-sister sa kanyang ama at kapatid.

“Oo, lalo na sila ni Daddy saka ng kapatid ko lalo.”

Ngayong taon ay balak naman ng aktres na i-meet ang isa pa nilang half-sister na ngayon ay naninirahan sa Australia.

“Oo, this year sana. Magkapatid sila nung nasa Italy.”

Me and my sisterrrr getting some italiannoooo yumyum ??????

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN