Carlo Aquino on Angelica Panganiban: "Ako, espesyal siya para sa akin. Hindi ko alam sa kanya."

IMAGE ABS-CBN PR Instagram

Carlo Aquino says a lot has changed in Angelica Panganiban from when they were still together and now many years later. "Dati tatahi-tahimik siya, e. Di siya ganyan ka-outspoken. Ngayon, mas loose. Mas ano magdala ng sarili niya, mas confident."


Marami ang kinilig nang sopresahin ni Carlo Aquino si Angelica Panganiban sa book launch ng librong Para Kay Ex

Lalo tuloy nabuhayan ng loob at tumindi ang paniniwala ng CarGel o Carlo-Angelica fans na maaaring magkabalikan ang dalawa.

Isinulat ng pseudonym writer na si Beau Ang ang libro, at si Angelica naman ang nagsulat ng foreword nito.

"Wala na kasi siyang dapat patunayan [sa pag-arte], so libro naman," pahayag ni Carlo tungkol sa bagong proyekto ng ex-girlfriend na si Angelica.

Ano ang isinulat ni Angelica sa kopya niya ng libro?

"Mayroon, pero di ko pa kasi nakikita. May dedication siya dun, ipu-post ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Carlo sa naturang book launch na ginanap sa National Bookstore sa Trinoma, Quezon City, noong February 24.

ALWAYS SPECIAL. Sa kabila ng mga panunukso at pambubuyo na magkabalikan na silang dalawa, sinabi ni Carlo na sa ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Angelica. 

Aniya, “Friends, enjoy lang, company, friendship.

“Kiligin? Tingnan natin.

"Court? Wala pa, yun nga fresh pa, sabi nga nila i-enjoy mo.”

Ayon pa sa aktor, mananatiling espesyal palagi para sa kanya ang ex-girlfriend. 

“Always, hindi na mawawala yun,” sabi niya. 

“Tulad ng sinabi ko dati, kung sakaling magkaroon ako ng ibang partner, magkaroon siya ng ibang partner, sana matanggap ng mga partner namin na special siya.

“Ako, espesyal siya para sa akin. Hindi ko alam sa kanya.”

“Hindi naman nawala kasi yung closeness, talagang close naman kami.

“Kahit hindi kami mag-usap, once na mag-text ako, ganun pa rin, walang nagbago.”

Sa presscon proper ng book launch ay tinanong si Angelica kung ano ang reason ng breakup nila ni Carlo, at dito ay sinabi ng aktres na isang astronaut ang ex na nanghingi sa kanya ng "space."

Depensa naman ng aktor ay natauhan lang noon ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natanggal lang ang helmet niya,” ani Carlo.

NEW PROJECT. Bali-balita rin na isang proyekto ang pagsasamahang muli nila Angelica at Carlo.

Kinumpirma naman ito ng aktor.

“Oo, parang ganun nga yata. Parang three years ago yung MMK [Maalaala Mo Kaya] namin, e.

“Hindi ko pa alam kasi magpi-pitch sila sa akin, next week or next, next week.”

Tinanong din namin si Carlo kung ano ang mga pagbabagong napansin niya kay Angelica kumpara noon na magkarelasyon pa sila.

Sagot niya, “Dati tatahi-tahimik siya, e.

“Di siya ganyan ka-outspoken.

“Ngayon, mas loose. Mas ano magdala ng sarili niya, mas confident.”

Samantala, nauwi sa hiwalayan ang ilang taong relasyon ni Carlo sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Si Angelica pala ang isa sa hiningan niya ng payo nang mga panahong iyon.

“Oo, nagte-text ako.

“Sabi niya, 'Enjoy ka lang. Maraming magandang mangyayari sa iyo. Accept mo lang, saka be happy.'”

Sa pagkabuhay muli ng CarGel fans, masaya ang aktor na aktibo muli ang mga tagahanga ng love team nila ni Angelica na nagsimula noong '90s.

“Siyempre masaya, hindi ko alam na nandiyan pala sila pagkatapos ng napakatagal na panahon. Thankful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN