Mayor Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina without marriage

IMAGE Patrick Meneses Instagram

Patrick Meneses doesn't want to close his doors on a possible reconciliation with Ara Mina, his ex-girlfriend and mother of his daughter Amanda. "Walang showbiz, nothing is impossible. Siyempre, only God knows. Mahirap magsalita nang patapos."


Lingid sa kaalaman ng marami, isa na ring film producer si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Siya ang isa sa mga nasa likod ng CineKo Productions, na nag-produce ng mga pelikulang Mang Kepweng Returns (2017), na pinagbidahan ni Vhong Navarro, at Bes and the Beshies (2017), na tinampukan naman nina Ai-Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, at Beauty Gonzalez.

Ang  CineKo Productions din ang producer ng kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan na The Significant Other, tampok sina Lovi Poe, Erich Gonzales, at Tom Rodriguez.

Bakit pinasok ni Mayor Patrick ang film production?

Sagot niya, “Well, to begin with, I’m also a fan. So, that’s why I got into this industry.”

Wala naman daw sa plano ng politician-film producer ang umarte sa kanyang mga pelikula.

“Ah, no, no. Definietely not, wala sa plano ko. Just business lang.”

Bukod sa pagpu-produce ng pelikula, ang negosyo ni Mayor Patrick at ng kanyang pamilya ay food processing.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Patrick sa pinakahuling mediacon para sa The Significant Other, na ginanap sa High Grounds Café, Quezon City, bago mag-Valentine's Day.

AIKO AND ARA. Kilala rin sa showbiz si Mayor Patrick dahil sa pagkakaugnay niya sa mga aktres na sina Aiko Melendez at Ara Mina.

May isang anak din siya kay Ara, ang three-year-old na si Amanda Gabrielle.

May ilang nagtataka kung bakit hindi kinukuha ni Mayor Patrick si Ara sa mga na-produce na nilang movie.

Pero paglilinaw niya, "Definitely one of the movies din na ipu-produce ko, siyempre makakasama rin siya."

Hindi naging maganda ang breakup nina Mayor Patrick at Ara kahit may anak na sila.

Pero kalaunan ay naging maayos uli ang kanilang samahan kahit wala nang balikan pang nangyari.

Paliwanag ni Mayor Patrick, “Siyempre, we have a daughter.

“We have Amanda and whatever happens, there will be a special love for her because she’s the mother of my daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw naging problema ang financial aspect kaya naging okey sila ni Ara.

“Wala, walang ganung naging problema.”

Ano ang reaksiyon ni Mayor Patrick sa sinabi ni Ara na kung magkakaanak siyang muli ay gusto niyang ang alkalde pa rin ang maging ama nito?

“Why not? Why not?” nangingiting tugon ni Mayor Patrick.

“I’m single and she’s single. Gusto niya, e. Oo naman.”

Bakit hindi pa sila magkabalikan?

“A, siyempre, there are differences between the two of us na we weren’t able to settle.”

Ngunit hindi naman daw isinasara ni Mayor Patrick ang posibilidad.

“Walang showbiz, nothing is impossible.

"Siyempre, only God knows. Mahirap magsalita nang patapos.”

Anong qualities ni Ara na gusto niya kaya candidate pa rin si Ara na maging forever niya?

Tugon niya, “Parang everyone naman kasi is candidate, what more siya na matagal ko ring nakasama... puwede ulit.

“She’s a very good mom to Amanda.” 

Anong pagkakaiba ang napansin ni Mayor Patrick kay Ara mula noong single pa ito at ngayong isa na siyang ina?

Paliwanag ng alkalde, “I guess, she’s more driven now with her career, with her craft. 

“Siyempre, she’s a single mom, she’s also trying to give her best and support also for her part for Amanda.”

Ano ba ang hinahanap niya sa isang makakasama sa future?

“My answer would be very cliché.

“Siyempre, hindi mo masasabi kung sino talaga, e.

“Mahirap sabihin kung ano ba ang hinahanap ko.”

Wala naman daw phobia sa kasal ang producer-politician.

“Wala, wala akong takot sa kasal. Gusto kong mag-settle with the right one, gustung-gusto ko naman talaga.

“I’m searching din naman.

"Darating din naman... naniniwala naman ako na ibibigay rin ni God kung ano yung para sa akin.”  

MAYOR PATRICK AS A FATHER. Samantala, ikinatutuwa ni Mayor Patrick ang komento ng marami na mas siya ang kamukha ng anak nila ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming salamat,” pakli niya.

“Ikaw ang nagsabi niyan, ha? Baka mag-react si Ara. Akin talaga, no doubt.”

Kahit abala raw si Mayor Patrick sa kanyang trabaho sa Bulacan, gumagawa siya ng paraan para makapiling si Amanda.

Aniya, “I spend quality time with Amanda, as much time as I can have, I spend time with her.

“Talagang ibinibigay ko.

“Hindi lang yung I don’t spoil her materially, but quality time is very important sa akin.

“Not all time, pero as much na magkasama kami, walang cellphone, walang ibang lakad, and I don’t entertain anything. 

“Si Amanda lang talaga.”

Ilang beses sa isang linggo niya nakikita ang anak?

“Siguro twice a week, pero I talk to her every single day.

“I call her up two to three times a day, every day. I check on her twice or thrice a day.”

Makikita rin sa Instagram posts ni Ara ang mga get-together nito sa pamilya ni Mayor Patrick kasama ang anak.

Pagpapatunay naman ng alkalde, “Ah, oo. Every time na puwede, nasa amin palagi.”

Hindi lang dito sa Pinas nakakasama ni Mayor Patrick si Amanda kundi maging sa ibang bansa.

Aniya pa, “Nung nag-Japan ako, sumunod sila, yung mag-lola.

“Sumunod si Amanda and my mom, saka brother ko. Dinala nila yung anak ko. 

"Haze [Hazel, palayaw ni Ara] wasn’t there because she had a taping or shooting at that time."

WORKING WITH AIKO. Nagkaroon din ng isyu sina Mayor Patrick at Aiko matapos ang kanilang breakup ilang taon na ang nakararaan.

Posible bang kunin din niya sa kanyang future film projects si Aiko?

“Yeah, why not? Bakit hindi?” tugon niya.

“I’m a producer and she’s an actress. She’s a good actress.

"And professionally, we're okay naman and we haven’t seen each other for the longest time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2011 ay sinampahan ni Mayor Patrick si Aiko ng kasong libel, ngunit na-dismiss ito bago pa natapos ang taon.

“Okey lang,” tugon ng alkalde nang tanungin namin kung puwedeng pag-usapan ang isyu.

Patuloy niya, “The case is there wala namang sumusundot na.

“Everything is under the bridge, okey lang.

"Ang tagal na nun, long time. Halos isang dekada na.”

Nagkita na ba sila ni Aiko?

“Hindi pa. Si Andre lang ang nakita ko, sa Greenhills.

“He passed by and then he went back and said hi to me. 'Hi po.'

“Sabi ko, 'How are you? How’s everyone?' And so like that.”

Si Andre ang binatang anak ni Aiko sa dating asawa nitong si Jomari Yllana.

If ever magkita sila ni Aiko ay okey na ba sila?

“Ah, oo. Siguro pag nagkita kami.”

Posibleng mas mapag-usapan si Mayor Meneses kapag nagkaroon uli siya ng controversy o issue sa showbiz.

Komento niya, “Yeah, okey lang naman din.

“Ever since din naman, kinamulatan ko na ito.

“Yung mga nakasama ko rin, and siyempre open life ang public service na pinag-umpisahan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN