Raymart Santiago in relationship with a non-showbiz girl?

IMAGE Courtesy: Leo Posadas on Facebook

Ayon sa ulat, matagal na raw may relasyon si Raymart Santiago sa Ayala executive na si AC Legarda, ngunit gusto raw sana ng dalawang gawing pribado ang kanilang relasyon. Pero bilang isang kilalang personalidad, hindi maiiwasang usisain si Raymart tungkol dito.


May girlfriend na raw si Raymart Santiago.

Ang pangalan daw ng girlfriend ni Raymart ay AC Legarda, nagtatrabaho bilang senior division manager ng Ayala Land, Inc.

Si AC ay pinsan daw ni Senator Loren Legarda.

Ito ay base sa isinulat na artikulo ng entertainment editor na si Salve Asis sa Pilipino STAR Ngayon.

Ayon kay Salve nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matagal na raw ang relasyon ni Raymart sa non-showbiz girl ngunit "super private" ito.

Dagdag pang impormasyon tungkol kay AC, mayroon itong dalawang anak ngunit hiwalay raw sa asawa.

Si Raymart naman ay may dalawang anak na rin sa estranged wife niyang si Claudine Barretto—sina Sabina at Santino.

Sa Facebook, makikita ang ilang larawan kung saan kasama ni Raymart si AC sa mga pagtitipon.

Sa isang larawan ay kasama pa nila ang kuya ni Raymart na si Randy Santiago.







Ang mga larawang ito ay kuha mula noong taong 2016 hanggang nitong 2017.

Nitong nakaraang Linggo, February 25, dumalo si Raymart at ilang kaibigan sa birthday celebration ni AC.

Nagpadala na ang PEP.ph ng mensahe kay Raymart sa pamamagitan ng text messaging at kay AC sa pamamagitan ng Facebook.

Agad naming ilathala ang kanilang sagot kapag tumugon na sila sa aming mensahe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN