Glaiza de Castro on finding Mr. Right: "Buo ka na dapat kapag dumating siya."

IMAGE Rachelle Siazon

Glaiza de Castro on falling in love: "Hindi naman ako sa nagmamadali. Pag nagpadala ka sa sinasabi ng tao, 'Uy, ilang taon ka na? Grabe naman, napag-iiwanan ka na.' Ano? Magse-settle ka na lang dahil dun?"


Aminado si Glaiza de Castro na masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng love life, pero hindi raw siya nagmamadaling pumasok sa relasyon.

“Inumpisahan ko na buuin yung sarili ko, na pahalagahan muna yung sarili ko, na hanapin kung anong gusto kong gawin, hanapin kung anong gusto kong route.

“Sa ngayon na nabuo ko na siya, inaantay ko na lang yung taong sasabay sa akin,” pahayag ng 30-year-old Kapuso actress.

Huling naugnay si Glaiza kay Benjamin Alves mula 2015 hanggang umpisa ng 2016.

Ngunit pagkatapos maunsiyami ang maganda sanang pagtitinginan ng dalawa ay wala pang napabalitang potential boyfriend ang PEP List Teleserye Actress awardee.

Mula July 2016 hanggang May 2017 ay naging abala si Glaiza sa pinagbidahang teleserye na Encantadia.

At sa March 2018 ay nakatakdang umere ang panibago niyang Kapuso drama series na Contessa.

Hindi ba niya naiisip na magkaroon ng inspirasyon?

Sagot ni Glaiza, “Hindi naman ako sa nagmamadali.

"Pag nagpadala ka sa sinasabi ng tao, ‘Uy, ilang taon ka na? Grabe naman, napag-iiwanan ka na.’

“Ano? Magse-settle ka na lang dahil dun?

"I don’t think bubuuin ka nun, e.

"Parang sa akin, buo ka na dapat kapag dumating siya."

Tila minsan na ring umasa si Glaiza na mapunan ni Mr. Right ang sense of fulfillment na hinahanap niya noon.

Aniya, “Naging misconception yun para sa akin. Na eto na lang yung bubuo sa akin.

“Hindi dapat. Dapat buo ka na.

"Kapag sinabi mong siya na lang pala yung missing piece…

“Although parang, ideally, ganun yung magiging dating.

"Pero kung iisipin mo maigi, dapat kilala mo na sarili mo.

“Baka okey ka na, 'tapos pag dumating siya, sasabay ka.

“Hindi yung lalaki yung magba-validate sa ‘yo. Ikaw ang magba-validate sa sarili mo.”  

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon ng Kapuso Panagbenga 2018, na ginanap sa Outlook Ridge Hotel sa Baguio, noong Sabado, February 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinaluhan ni Glaiza at ng kanyang Contessa leading man na si Jak Roberto ang annual Panagbenga float parade.

Kasama rin nila ang Kapuso stars na sina Megan Young, Mikael Daez, Ruru Madrid, at Matt Evans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN