Bela Padilla slams netizens for negative comments about her belly

Bela Padilla  took to Twitter to slam netizens who criticized her bikini photo. She said, "Would it have made you more comfortable if I edited my photo to perfection?"


Hindi itinago ni Bela Padilla ang pagkadismaya sa netizens na pinuna ang kanyang tiyan matapos niyang mag-post ng bikini photo sa Instagram.

Nitong Martes, February 27, nag-post si Bela ng kanyang litrato na naka-two-piece habang nakaupo sa tabing-dagat sa Amanpulo, Palawan.  

Sa comments section, may mga netizen na pumansin sa tiyan ni Bela na medyo nakaumbok.

Hindi ito nagustuhan ni Bela at nag-tweet tungkol dito.

Mensahe ng Kapamilya actress, “Shocked by the number of comments on my IG post, pointing out that I have a belly.

“Yes I do. It holds in my organs that I need to live.

“It has a layer of muscles that I worked hard for in the gym and a layer of fat from the food I enjoy to eat.”

Buwelta pa niya sa mga kritiko, “Deal with it. PLUS I’m seated.”

Pagkatapos nito ay muling nag-tweet ang 26-anyos na aktres.

Aniya, “Would it have made you more comfortable if I edited my photo to perfection?

“Because I could have easily done that.

“But what message does it send to the younger ones? That our photos are only likeable when we’re perfect in photos?

“Not from me. NEVER.”

Sinang-ayunan pa ni Bela ang tweet ng isang netizen na maikukunsiderang "body-shaming" ang ginagawang pagpuna sa timbang o hitsura ng isang tao.

Ipinagtanggol naman si Bela ng kanyang mga tagasuporta.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN